^

PSN Opinyon

Rep. Teves may brain damage?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para kay dating Presidential Spokesman Harry Roque, ang nangungunang person of interest sa asasinasyon ni Negros Oriental  Rep. Arnie Teves ay posibleng may “brain damage” dahil sa pagkakalulong sa shabu ng ito ay bata pa.

Naniniwala si Roque na kahit minsan lang gumamit ng ganitong droga ang tao, malamang ay mawala na sa kati­nuan ang takbo ng isip nito. Kaya sinabi niya na naniniwala siya sa war on drug na inilunsad noon ni Presidente Duterte na siya namang pilit inuusig ng International Criminal Court (ICC).

Nagkasama umano si Roque at Teves sa House of Re­presentatives nang pareho pa silang mga representante at sa sarili nitong priviledge speech, inamin niya na matagal­ itong gumamit ng droga, ngunit tapos na raw ang kabana­tang iyon sa kanyang buhay.

Narinig ko rin sa isang interview sa television si Teves na gumawa ng ganyang pag-amin. Pero sinabi niyang fully rehabilitated na siya at kanyang napatunayan na kahit ang isang talamak na adik ay maaaring magbalik sa normal.

Ngunit sabihin mang si Teves ay exceptional case ng isang dating adik na nagbalik sa normal ang isip, malamang na ang kanyang background sa pagiging dating sugapa sa shabu ay maging dahilan para lalo siyang madiin sa kasong ipinaparatang sa kanya. Tapos, nagmamatigas pa siyang huwag bumalik sa Pilipinas sa kabila ng apela ng mga kasamahan niya sa Kongreso.

Kunsabagay, siya lamang ang makapagdedesisyon para sa kanyang sarili. Sabi nga sa matandang kasabihan, “sungay mo sunong mo, buntot mo, hila mo”.

vuukle comment

ARNIE TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with