^

PSN Opinyon

Community vigilance

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Wala pa akong naririnig kay DILG Secretary Benhur Abalos na paghikayat sa mga mamamayan na maging ma­sigasig at mapagmatyag sa kanilang mga komunidad. Ito ‘yung tinatawag na community vigilance o pakikibakas at pagtulong ng publiko sa mga alagad ng batas.

Turuan ang publiko na maging paladuda sa lahat ng mga pumapasok sa kanilang mga barangay, munisipyo, distrito, probinsya at rehiyon. Kilusin at sanayin sila na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang krimen bago pa man ito mangyari. Dapat listo dito ang mga lokal na pamahalaan partikular ang mga barangay na nagsisilbing multiplier force.

Subalit hindi magiging epektibo ang community vigilance kung walang presensya ng Philippine National Police (PNP) o police visibility. Mahalagang maramdaman ng mga mamamayan na ang mga pulis ay madaling hanapin, mada­ling­ lapitan, madaling pagsumbungan at madaling rumesponde. Ito ang dapat tinututukan at pinagtutuunan ng pansin ni Secretary Abalos at ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin.

Buhayin ang community hotline na pagsusumbungan ng mga mamamayan. Anumang mali at kahina-hinala sa ibaba dapat makarating agad sa itaas. Lahat ng mga nakukuhang intel o mga impormasyon sa mga hotline pinag-aaralan at bina-validate. Dapat aktibo at mayroong infor­mation at intel sharing sa pagitan ng pulis at militar. Malaking tulong rin ang paglalagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng mga lansangan. Ito ang magsisilbing karagdagang mga mata at tainga sa ibaba.

Ang pinakamahalaga sa lahat. Maglaan ng sapat na budget sa communication infrastructure na kailangan ng mga pulis. Sapat na training at kaalaman sa pagpapatupad ng batas at mga sasakyan na gagamitin sa pagpapatrolya at pagbababa nila sa mga komunidad.

Nagmumukha na akong sirang plaka sa paulit-ulit na pagbibigay-diin sa usaping ito. Maraming mali at problema na dapat ayusin ang DILG at PNP.

Secretary Abalos at General Azurin, huwag ho ninyong hayaan na pamugaran ng mga masasamang loob ang ating mga komunidad. Panahon na para kilusin ang mga mamamayan. Ibalik ang tiwala at kumpyansa sa ating kapulisan.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with