^

PSN Opinyon

Rep. Teves papatayin daw

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Habang isinusulat ko ang kolum na ito, hindi pa matiyak kung nasaan ngayon si Negros Oriental third district Representative Arnolfo Teves. May mga nagsasabing nakaalis na siya sa U.S.A. at ngayon ay nasa isang bansa sa Asia.

Dumarami ang panawagan na siya ay magbalik na sa Pinas at harapin ang mga paratang na siya ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, bagay na itinatanggi niya.

Ayaw niyang bumalik dahil may banta raw sa kanyang buhay. Sa pananaw ng iba, ito ay isa lamang convenient excuse para iwasan ni Teves ang imbestigasyon.

Kung ganyan kabigat ang paratang sa isang tao, tingin ko, lalo lang siyang dapat humarap sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan. Hindi lang naman si Degamo ang sinasabing pinatay niya kundi ‘yun ding ibang pulitiko sa lalawigan na itinumba noong araw.

Mahirap kontrahin ang kanyang rason dahil buhay niya ang pinag-uusapan. Pero kung ako ang nasa katayuan niya, may kaba man ang aking dibdib ay makikinig ako sa panawagang magbalik sa bansa at humarap sa mga pagsisiyasat.

Dahil kung patuloy siyang magmamatigas na hindi bumalik ng bansa, lalo lamang titibay ang hinala ng madla na siya nga ang mastermind sa political crime na pinagpipistahan ng mass media ngayon.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with