^

PSN Opinyon

Police visibility

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Parang bagong bagay sa ilang mga opisyal ng pamahalaan ang police visibility.

Ngayon palang sila nananawagan. Kanya-kanya silang palabra sa media. Magpakalat daw ng mga pulis sa mga komunidad at lansangan para maiwasan ang kriminalidad.

Nayanig sila nang husto matapos mapatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Walang presensiya ng pulis sa lugar noon. Sa tagal ng panahon, walang ginawang threat assessment ang Philippine National Police (PNP).

Dismayadong ibinunyag ni Senate President Migz Zubiri noong Sabado na 2020 pa pala nagsabi ang pobreng governor sa PNP na may mga banta na sa kanyang buhay. Noon pa rin siya humihiling na dagdagan ang kanyang security detail.

Hindi na bago sa BITAG ang katagang police visibility. Police visibility is crime prevention and crime deterrence.

Dapat ang pulis nakikita at ramdam sa buong bansa. Madaling hanapin, madaling puntahan, madaling duma­ting. Matagal ko na itong panawagan sa ating pamahalaan.

Kapag kalat ang mga pulis sa mga lansangan at komunidad, magdadalawang-isip muna ang mga kriminal bago nila isagawa ang krimen.

Kapag nakikita ang presensiya ng mga pulis, ang mga mamamayan may kasiguraduhan at kapanatagan. Tulad ng US COPS na idinodukumento namin sa United States.

Ang hubo’t hubad na katotohanan, sa Pilipinas ang mga pulis dumarating na lang kapag tapos na ang krimen at may patay na. Sa Ingles, picking dead bodies.

Mabuti pa ang bagong upong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Gen. Edgar Alan Okubo alam ang ginagawa.

Unang direktiba niya sa mga pulis, bumaba sa mga komunidad. Ipakita at iparamdam ang presensiya. Hindi ang komunidad ang maghahanap at pupunta sa mga pulis. ‘Yan ang NCRPO chief! Milya-milya ang layo kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin na gusto yatang maging pastor.

Sino ba naman ang matutuwa. Sabi ni Azurin, dapat respetuhin daw natin ang human dignity. Huwag daw takutin ang mga kriminal at dapat bigyan sila ng second chance.

General Azurin, Sir, mawalang galang lang ho. Hindi ganun mag-isip ang mga kriminal.

Kung kay Vice President Sara Duterte ‘yan may “bayag” siya para sabihing “no mercy to criminals.” Hindi dapat kinaaawaan ang mga kriminal.

Hindi na ako magtataka kung bakit sunud-sunod ang mga pag-atake at pagpatay sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Tingnan n’yo na lang ang nasa itaas. Sino ba ang mga nakaupo at namumuno sa DILG at PNP?

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with