^

PSN Opinyon

Loose firearms samsamin!  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAHIGPIT ngayon sa Negros Oriental matapos paslangin si Governor Roel Degamo at walong sibilyan sa bahay nito noong Marso 4. Ang mga suspect ay dating sundalo at pulis­ na tinanggal sa serbisyo matapos masangkot sa iba’t ibang kaso gaya ng paggamit ng illegal na droga. Ang iba ay nag-AWOL.

Kung nag-AWOL, lumalabas na bitbit pa rin nila ang mga armas na inisyu ng pamahalaan o posibleng ang dala nila ay loose firearms ng pinagsisilbihang pulitiko. Kaya nararapat lamang na halughugin ng PNP ang mga pinaghihinalaang imbakan ng mga baril ng pulitiko sa pamamagitan ng search warrant.

Noong nakaraang Biyernes, sinalakay ng CIDG ang ilang bahay ni Rep. Arnie Teves at nakasamsam ng sangkaterbang baril.

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na ang pag-raid sa mga bahay ni Teves ay walang kaugnayan sa pagka­matay ni Degamo kundi sa nangyaring patayan noong 2019.  

Sa kasalukuyan, anim na batalyon ng Philippine Army ang naka-deployed sa Negros Oriental sa order ni President Ferdinand Marcos Jr. Isang task force na rin ang binuo para tugisin ang mga natitira pang suspect sa pagpatay kay Degamo. Una nang ipinag-utos ng presidente ang pagbuwag sa private armies sa probinsiya kasunod ng pagpaslang sa governor.

Sa pagpatay kay Degamo, apat na suspect ang naaresto­ at isa ang napatay. Ang mga naaresto ay sina Jovic Labrador, Benjie Rodriguez, Joven Javier at Osmundo Rivero. Sinabi nina Labrador at Rodriguez sa ambush interview ng mga mamamahayag na isang nagngangalang “Cong. Teves” ang nag-utos para gawin ang krimen

Samantala, sa Metro Manila, pinatutuunan naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Edgar Alan Okubo ang pagsamsam sa loose firearms.

Noong Biyernes, sinalakay ng Taguig police ang hideout ni Ronnie Gonzales sa Bgy. Katuparan, Taguig City sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Byron San Pedro ng Taguig Regional Trial Court. Nasamsam kay Gonzales ang mga matatas na kalibre ng baril at mga bala.

Kasalukuyang nakapiit si Gonzales sa Taguig City Police Station habang pinuproseso ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Abangan.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with