^

PSN Opinyon

OFW hospital: ‘Ospital’ nga ba ng mga OFW?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Maaaring lubha pang maaga bago matukoy kung talagang nakakatulong at kapaki-paki-nabang sa mga overseas Filipino worker ang OFW Hospital lalo pa at mag-iisang taon pa lang ang operasyon nito na nagsimula noong Mayo 2022. Ito ang unang ospital na itinayo para mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya o dependent bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon nila sa ekonomiya ng ating bansa. Kaabang-abang pa rin ang kahihinatnan nito sa darating na mga taon. Kung talagang matatawag itong “Ospital ng mga OFW”.

Bago pa man naitayo, itong ganitong klase ng pagamutam ang isa sa mga matagal nang hinihiling at isinusulong ng maraming organisasyon ng mga OFW sa iba’t ibang bansa sa mundo at maging iyong mga organisasyon at indibidwal at institusyong nakabase sa Pilipinas na nagtataguyod sa kapakanan ng mga OFW. Kabilang ito sa mga ipinapanawagan nila noong araw tulad ng sa OFW Bank at Department of OFW na batid nating kapwa naisakatuparan na.

Matatagpuan ang OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga na mapupunang tila napakalayo sa ibang mga lugar na pinagmumulan ng maraming OFW. Malaking problema ito sa mga OFW at kanilang pamilya na nagmumula halimbawa sa malalayong bayan sa Southern Tagalog, Ilocos Region, Cagayan Valley, Mountain Province, Bicol, Mimaropa, Visayas at Mindanao. Kaya hindi katakatakang limitado lang ang bilang ng mga maseserbisyuhan ng naturang ospital. Hindi malinaw kung magkakaroon ng mga sangay ang ospital na ito sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Lubha rin namang mahalaga ang naturang ospital dahil meron ding mga isyung pangkalusugan sa mga OFW. Isa rin ito sa mga rason kung bakit inoobliga silang maging miyembro ng PhilHealth. May mga OFW na napapabayaan ang kanilang kalusugan habang kumakayod sa ibang bansa para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Batay sa mga pag-aaral, ilan sa nagiging karaniwang problema sa kalusugan ng mga OFW ang  mga sakit na may kaugnayan sa cardiovascular, reproductive, digestive, at urinary/excretory systems. Pinakamataas ang bilang ng mga OFW na merong hypertension, arthritis, at hepatitis. Marami sa mga OFW ang hindi nagpapagamot o nagpapatingin sa doktor dahil hindi nila batid ang mga benepisyong dapat nilang makamtan, napakalayo ng kanilang trabaho o tirahan sa mga pagamutan, na-ngangamba sila na baka matanggal sila sa trabaho, at umaasa na lang sila sa self-medication. Sa bansang United Arab Emirates halimbawa partikular sa Dubai at Northern Emirates, napaulat na pangunahing sakit na pumapatay sa mga OFW ang mga may kaugnayan sa puso. Pangalawa ang brain stroke at brain hemorrhage.

Samantala, ipinahayag kamakailan ng Department of Migrant Workers na ang OFW Hospital sa Pampanga ay nakapagserbisyo sa mahigit 11,000 pasyente mula nang magbukas ito ng pinto sa mga OFW at kanilang mga pamilya noong Mayo ng nakaraang taon. Ang mga doktor at ibang medical staff nito ay nakagawa na ng 15 minor surgeries at nakapagpasilang na ng dalawang sanggol nitong buwang kasalukuyan. Hawak na ngayon ng DMW ang OFW Hospital na dating nasa ilalim ng Department of Labor and Employment. Nagbukas ito noong Mayo 1, 2022 na merong out-patient clinic at nagsimula ang operasyon bilang infirmary noong Hulyo 2022. Isa na ito ngayong secondary level medical facility, ayon sa DMW.

Hindi nga lang idine-talye sa pahayag ng DMW kung ilan sa sina-sabi nitong mahigit 11,000 pasyente ang aktuwal na mga OFW at ilan dito ang sa mga pamilya ng mga migranteng manggagawa. Maaaring may mga pagkukulang pa ang naturang ospital pero, tulad ng una kong nabanggit, lubhang napakaaga pa para mahusgahan ang magiging kabuluhan nito sa buhay ng mga OFW. Sana ay hindi maka-dama ng kabiguan dito ang marami nating mga OFW.

“Ang ospital na ito na nauukol sa mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay ay magbibigay ng gold standard sa pre-employment  medical exams at ibang medical needs dahil hindi dapat makompromiso ang kalusugan ng bawat migranteng manggagawa,” sabi ni DMW Secretary Susan Ople.  Ang OFW Hospital anya ay magi-ging pangunahing ahensiya sa pagkakaloob ng pre-employment at post-arrival medical examination sa Pilipinas habang ang misyon nito ay magbigay ng holistic patient-centered healthcare services sa mga OFW at kanilang mga dependent.

Samantala, kabilang sa mga Filipino community leader na nagsusulong noon sa pagkakaroon ng OFW Hospital si Manny Camato na matagal nang nagtatrabaho bilang Sales at Marketing Executive sa bansang Qatar. Isa siya sa lider ng  isang grupo ng mga OFW sa Middle East na tinatawag na Triskelion State of Qatar International Defender Stallion Scorpion Guardians Brotherhood Inc.

Sabi ni Camato sa isang panayam, “Para sa sector ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), isang magandang batas ang pagkakatayo ng ospital para sa mga OFWs at aming mga dependents. Matagal na itong hinihingi ng sector sa ating pamahalaan at mabuti na lamang ay nasimulan nang isa sa Pampanga. Hangad namin na magtayo nito sa mga piling lungsod sa Pilipinas mula sa norte hanggang sa katimugang bahagi kasama ang sa kalakhang Maynila. Bukod sa San Fernando sa Pampanga, paisa-isa sanang magbukas ng kaparehong ospital sa Vigan, sa Cauayan, Baguio, Dagupan, Malolos, Calamba, Naga, Cebu, Bacolod, Davao at Zamboanga upang matugunan ang aming medikal na pa-ngangailangan. Matindi ang sakripisyo ng isang OFW, kailangan namin ang isang proyekto ng pamahalaan na makakatulong sa amin upang maibsan ito.

* * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with