^

PSN Opinyon

DILG, PNP, I’ve warned you, but...

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BRUTAL ang ginawang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Sadyang nilusob, pinatay ang gobernador kasama ang kanyang mga security, maging ang mga taong pumipila umano sa 4P’s.

Malinaw ang kultura ng kawalan ng batas at pamama­yagpag ng mga kriminal sa mga komunidad partikular sa mga probinsiya.

The culture of lawlessness and the breakdown of the law and order is going to be the reality particularly in the provinces because of provincial politics.

Bakit nga ba? Ito’y dahil sa mga uri ng pulitika sa pro­binsiya ng mga political warlords gamit ang kanilang mga private army na sadyang binuo.

Kasabay nito, ang mga piskal, hudikatura na kabakas na nila. Yuko sa kanila sa dahilang manganganib pati ang kanilang mga buhay. Kaya naman pati mga abogado, piskal at huwes pinapaslang na ring parang mga manok.

Hindi na tinatanong ng mga residente ng probinsiya kung sino ang nasa likod. Alam na alam nilang kagagawan ito ng political warlords.

Ito ang hubo’t hubad na katotohanan na dapat makita ng publiko.

Pebrero 28, araw ng Martes, sa aking programa sa telebisyon na BITAG Live, ako’y nagbigay ng babala sa DILG at sa PNP hinggil sa “police visibility”. Nag-warning na ako sa mga posibleng mangyari.

Sinang-ayunan ko ang sinabi ni bagong NCRPO Chief Maj. Gen. Edgar Allan Okubo na let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police [are].”

Nakikini-kinita na ni General Okubo na kapag naibalik ang respeto at tamang pamantayan sa mga pulis sa pama­magitan ng NCRPO, ito ang magiging panukat sa buong pambansang kapulisan. Makalipas ang apat na araw, nang­yari na ang massacre sa Negros Oriental sa tahanan ng governor.

Kaya ngayon sa opinyon ko, hindi natin kailangan ‘yung mala-pastor na pinuno na nagsasabing “be kind to criminals, they have rights.”

At isa pang chuwariwa-riwap na dakdakero na pinuno ng DILG na ‘di maintindihan ang gustong gawin at mang­yari—puro lang naman pa-epal.

Uulitin ko mula sa aking Peb. 28, 2023 broadcast kung hindi n’yo napanood: we need to have a joint intel of military and police.

There must be a database of politicians with private armies as well as database of their armory and capabilities to go head on with the law enforcement and military.

And, identify provincial hotspots that will become the flashpoint of conflicts and killings between political opponents and their supporters.

I’m sorry mga Boss, nothing personal. You guys are doing your job but I’m also a professional, just doing my job.

I will speak about the naked truth and from what I see, I will say it. Unfiltered!

vuukle comment

PNP

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with