^

PSN Opinyon

Gamma-matay-tau

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DUMADALAS ang kaso ng mga neophyte na namamatay sa brutal na hazing ng mga fraternity. Ang una sa taong ito ay ang pagkamatay ng isang estudyante ng Adamson University na hindi kinaya ang mahigit na pitumpong palo ng paddle sa kanyang katawan kaya binawian ng buhay.

Ang pinaka-karumaldumal ay inilibing na lang ng mga frat members ng Tau Gamma ang tinortyur na bangkay na mistulang patay na aso. Huwag na nating idetalye dahil alam na ng karamihan. Pangunahing balita ito sa mga pahayagan, radio, television, pati na sa social media.

Sabi ng isang kakilala ko na frat member, huwag sisisihin ang buong Tau Gamma Fraternity kundi yung mga miyembrong nagkasala lang. Ngunit wala bang policy ang fraternity hinggil sa intensity ng pagpalo sa mga nobisyado upang maiwasan ang mga malalagim na pangyayari?

At kung may mga naganap na pang-aabuso na humahantong sa pagkamatay ng isang neophyte, wala bang sanction­ na ipinatutupad tulad ng lifetime expulsion sa samahan? Dapat din marahil, bilang pagpapakita ng goodwill na hindi kinukun­sinti ang mga brutal at nakamamatay na hazing, kailangan din nitong magbigay ng libreng legal assistance sa inulila ng kanilang biktima.

Dapat, ang nasasangkot na fraternity mismo ang umusig sa mga nagkakasalang members nito. Hindi lang pamahalaan ang dapat na kumilos para tiyakin na malalapatan mg karampatang parusa ang mga erring frat men.

Sineguro naman ni Presidente Marcos na titiyakin niyang malalapatan ng hustisya ang kaso ng neophyte ng Tau Gamma na si John Matthew Salilig.

Ang tanong ko lang, yun bang mga frat men na nakalaboso dahil sa kahalintulad na insidente, pagkalabas nila ng kulungan ay nananatiling miyembro ng kanilang fraternity? Kung oo, hindi ako naniniwalang hindi pinapayagan ng mga fraternity ang brutalidad sa pagtanggap ng mga bagong kasapi.

vuukle comment

FRATERNITY

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with