^

PSN Opinyon

Dialog pa sa transport sector

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TUTOL ang sektor sa transportasyon sa namimintong modernization ng public transportation. Balak nilang magdaos ng isang linggong transport strike. Mayroon kasing maliliit na operators na walang capital para sa modernong sasakyan.

Ang welga ay plano nilang idaos as Marso 6 hanggang 12. Ang mga lalahok dito ay mga drivers at operators ng jeepney at UV Express na tumututol as planong modernisasyon.

Magandang konsepto ang modernization pero huwag gawing biglaan kundi unti-unting ipatupad. ‘Yung mga operators na financially able na gumastos ay siya munang sakupin ng modernisasyon. ‘Yung walang pondo para rito ay bigyan pa ng panahong maipasada ang kanilang lumang jeepney.

Takdaan pa sila ng panahon hanggang sa sila ay financially ready upang makabili ng modernong sasakyan. Na­abot din naman tayo sa puntong obligadong iretiro ang sasakyan. Kapag nangyari ito, sapilitan na ring bibili ang mga operators ng makabagong sasakyan.

Ang pinakamabuting gawin ay makipag-dialog pa ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon at dinggin ang kanilang hinaing. Hindi rin kasi maaaring isaisantabi ang problema puwedeng harapin ng mga maliliit na operators.

Ngunit hindi rin maaaring ibasura ang modernization program. Ito ay mahalaga para makapag-adjust sa pagbabago ng kalagayan ng daigdig. Isa na rito ang pagbabago sa klima na pinalulubha pa ng patuloy na paggamit ng fossil fuels.

Walang hindi nalulutas sa maayos na usapan. Kaya huwag daanin sa transport holiday kundi maupo ang mga kinatawan ng transportation at pamahalaan sa negotiating table para magkasamang plantsahin ang problema.

vuukle comment

TRANSPORTATION

UV EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with