^

PSN Opinyon

Wanted criminal naaresto

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAARESTO ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office- Regional Special Operation Group (NCRPO-RSOG) sa pamumuno ni Lt. Col. Willy Sy ang lider ng Turtosa Group na kinilalang si Ruwel dela Cruz sa Taguig City. Nahuli si Dela Cruz sa pinagtataguan nito sa No. 30-1 Kalamansi St., Barangay West Bicutan, Taguig City.

Si Dela Cruz ang lider ng Turtosa Group na nag-o­ope­rate sa Makati City at iba pang lungsod sa Metro Manila na ang binibiktima ay softdrink dealers.

Ang nakalambat kay Dela Cruz ay ang team na pina­ngunahan nina Maj. Johnnyboy Itcay ng RSOG-RID tracker­ team at P/Maj. Jonathan Aribbe ng Taguig Police Station. Hindi nasayang ang effort ng mga pulis dahil nahuli agad si Dela Cruz.

Pero may sa-palos pala si Dela Cruz dahil nang ma­isakay na ito sa mobile car, nakalas nito ang kanyang posas at lumundag. Ang masaklap, nasubsob ito sa sementadong kalsada kaya nabangas ang nguso.

Hindi pa diyan nagtatapos ang ginawa ni Dela Cruz. Nagawa pa nitong magpumiglas para makatakas. Naki­pag­buno ito sa escort na pulis. Nagkasira-sira ang uniporme ng escort na pulis dahil sa pakikipagbuno kay Dela Cruz. Pero sa bandang huli, hindi umubra ang kanyang pagka-palos. Ang huling destinasyon niya ay sa kulungan habang ipinu­proseso ang mga kaso laban sa kanya.

Kabilang sa mga isinampang kaso sa kanya ay ang violation of Art. 151 o Resistance and Disobedience to Person in Authority sa Prosecutor’s Office ng Taguig City.

Si Dela Cruz ay nakalista sa wanted criminals ng Directorate for Intelligence (DI) ng Philippine National Police­ dahil sa pagkakasangkot sa robbery cases. Sangkaterba ang warrant of arrest nito na inisyu nina Judge Maricris Pahate-Felix ng Makati RTC Branch 133; Judge Antonietta Pablo Medina ng Muntinlupa City RTC Branch 276; Judge Karen Matti Sy ng Makati City RTC Branch 294 at Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa City RTC Branch 205 na may tig-P100,000 na bail bond.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with