^

PSN Opinyon

EDSA spirit dedo na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AYON sa survey ng Social Weather Station (SWS), anim sa bawat 10 Pinoy ay naniniwalang buhay pa ang diwa ng EDSA People Power Revolution. Ngayon ay ginugunita ang ika-37 anibersaryo ng naturang himagsikan na nagpatalsik sa 20 taong diktadurya ni President Ferdinand Marcos Sr.

Nagtataka ako kung bakit naging ganyan ang resulta ng SWS survey. Para sa akin, matagal nang tigok ang EDSA Spirit sapul pa nang manalong president si Rodrigo Duterte. At lalong masasabing naglaho na ang adhikaing ipinaglaban sa EDSA ngayong nagbalik na sa timon ng pamahalaan si Marcos sa katauhan ng kanyang anak na si Ferdinand Jr.

Sa umpisa ay nag-alab talaga ang pagnanais ng taum­bayan na maibalik ang demokrasya. Pero sa paglipas ng mga taon, bigo ang mamamayan sa inaasahan nilang ito. Sa kawing-kawing na administrasyon nagpapalit-palit mula sa administrasyon ni Cory Aquino, mukhang naglubha pa ang sitwasyon.

Palibhasa, patuloy na hinahagilap ng sambayanan ang pangakong reporma na hindi nila natagpuan matapos ang mahigpit sa 30 dekada. Sobrang tagal na iyan para hindi pa matamo ng bayan ang magandang pagbabago.

Ang sabi nga ni yumaong President Noynoy Aquino, “Walang pagbabago”. Aba, mayroon naman, dangan nga lang at masama at patuloy pa ‘yang sumasama! Harapin natin ang katotohanan na isa nang bahagi ng limot na kasaysayan ang EDSA.

Bakit nagkaganyan? Sa obserbasyon ko, tayong mga tao ay hindi nagkakaisa sa interpretasyon ng demokrasya. Dahil dito, nagkakaroon ng kampi-kampihan dahil sa mag­kakaibang interes at pananaw. Masyadong makasarili at hindi nakatingin sa kagalingan ng lahat kundi sa sariling kapakanan lamang.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with