^

PSN Opinyon

Wage increase madaling sabihin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA walong porsiyentong inflation rate na nagdudulot ng labis na pagtaas sa halaga ng mga bilihin, madaling ipa­nukala na itaas ang sahod ng mga manggagawa ngunit ma­hirap gawin. Tama naman ang panawagan ni Senate Pr­esident Juan Miguel Zubiri sa mga pribadong kompanya­ na itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Kung ako ay isang mambabatas, ipananawagan ko rin iyan dahil nagmamalasakit ako sa taumbayan na apektado ng nagaganap na inflation. Kasi kung hindi magsasalita ng ganyan ang isang opisyal ng pamahalaan, magmumukhang wala siyang malasakit sa bayan. Kaso, ito ay isa lamang pagpapahayag ng malasakit na mahirap ipatupad.

Kung ako ang may-ari ng kompanya, paano ko ita­taas ang sahod ng mga empleyado kung napakataas ng production cost? Mas lulubha ang sitwasyon kung malulugi ang mga kompanya dahil tuluyang mawawalan ng trabaho ang taumbayan.

Sa mga tanggapan ng pamahalaan, posible sigurong gawin iyan dahil may sapat na pananalapi. Ngunit sa mga negosyanteng umaasa lamang sa mark-up o tubo sa ibinebentang produkto, mahirap gawin ito. Wala naman tayong magagawa dahil ang inflation ay dulot ng mga pangyayari sa mundo na nakaaapekto sa pandaigdig na ekonomiya.

Pero may magagawa ang pamahalaan. Iyan ay kung masusugpo ang mga katiwalian lalo na ang pakikipagkutsaba ng mga tiwaling opisyal sa mga smugglers. Kahit­ may inflation kung mapupuksa ang smuggling at ang mani­­­pulation sa presyo ng mga kalakal, makaluluwag iyan sa lukbutan ng mamamayan.

Sa panig naman nating mga mamamayan, gumawa na tayo ng sariling diskarte para maragdagan ang kinikita natin. Sideline wika nga, basta legal at disente. Tayo ay nasa matinding krisis at naniniwala ako na sa bawat krisis na dumarating, palaging may kaakibat na magandang oportunidad.

vuukle comment

INFLATION

WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with