^

PSN Opinyon

Kailan ihahayag ng DILG ang mga sangkot sa drugs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAILAN kaya ibabandera ni DILG secretary Benhur Abalos­ ang mga heneral at colonel na may kinalaman sa pag­papa­kalat ng droga sa bansa. Ninety percent na sa mga heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite na ng kanilang mga resignation. Kaya nag­hi­hintay ang mamamayan kung sino ang mga PNP offi­cials na sangkot sa drug trade.

Habang tikom ang bibig ni Abalos, sunud-sunod naman ang pagkaaresto at pagsamsam ng droga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng liderato ni MGen. Jonnel C. Estomo.

Noong isang araw, naaresto ang dalawang miyembro­ ng Yang Drug Group na nag-ooperate sa Makati City, Mun­­tinlupa City, Pasig City, Pasay City at Taguig City. Ang mga suspect ay nakilalang sina Kun Yang at Yang Tao Nahuli rin ang kasapakat nilang si Faith Jovenes Suniga, alias ‘Nina/Trixie. Nasamsam sa mga ito ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P1,200,000. Nasam­sam din sa mga ito ang 9.5 grams ng marijuana “kush”, 62 pieces ng small round tablets at 38 pieces ng Chinese Magoo/Magu.

Kung nakalusot ang mga droga, marami na naman ang magugumon dito at magkakamal naman ng limpak-limpak na salapi ang tatlong suspect. Pero hindi sila nakalusot sa mga awtoridad. Natapos ang pamamayagpag ng mga miyembro ng Yang Drug Group.

Ayon kay Estomo, “Ang NCRPO ay patuloy sa paglu­lunsad ng mga operasyon laban sa mga criminal na gaya ng mga dayuhan na ito. Hindi kami titigil at mapapagod na mag­sagawa ng mga operasyon upang tuldukan na ang matagal na problema sa ilegal na droga at bigyan ang ating mga kaba­bayan ng isang maayos at payapang komunidad.”

Ganito ang dapat gawin ng PNP officials sa taum­bayan­ hindi yung ningas kugon lamang ang ipinakikita. Kapag naka­tikim ng salapi ang ilang dayukdok na opis­yales ng PNP, naka­kalimutan na ang maglingkod nang tapat sa mamamayan.

Kaya tama si Abalos na paimbestigahan ang ilang dayukdok sa PNP upang hindi na sila pamamarisan. Pero sana ilahad o ibunyag na ni Abalos ang mga PNP offi­cials na sangkot sa illegal drugs.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with