^

PSN Opinyon

Hanggang kalian makapagtitimpi?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa naganap na pagtira ng China sa ating Philippine Coast Guard ng laser light, puwede pa sigurong magtimpi at mag­pasensya. Kasi, sa sarili nating lakas, hindi natin kaya ang China.

Sabi nga noon ng yumaong ex-President Noynoy “talo tayo kahit sa pitikan ng ilong”. Pero ang insidente sa pag­papatrulya ng PCG sa Ayungin Shoal ay isang international issue.

Hindi lang Pilipinas at China ang sangkot dito kundi pati ibang mga bansa kasama ang mga Western Alliance. Bukod pa riyan ang ibang mga bansa sa Asia na may pag-aangkin sa South China Sea o West Philippine Sea.

Dito ay may nakataya ring interest ang United States of America. At dahil sa laser attack na ginawa ng Chinese­ Coast Guard sa ating patrol boats, nagalit na ang America na tila lalong naglapit as mundo sa posibleng mala­ki­hang digmaan. Hindi rin malayong masangkot ang Pili­pinas sa isang digmaan dahil sa umiiral na Mutual De­fense Treaty natin sa America. Obligado tayong ma­ki­pag­digma.

Alam na ng buong mundo na ang puntirya ng China ay pagbawi sa Taiwan, bagay na hindi papayagan ng USA. Bawat marahas na aksyon ng China ay isang hakbang tungo sa pangunahin nitong layunin na sakupin ang Taiwan.

Malaking bagay para sa China na mabawi ang Taiwan dahil dito ginagawa ang mga micro chips na kinakailangan ng bansa para sa cyber operation nito.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with