^

PSN Opinyon

Lumalabis na ang China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin, umabot na sa kasukdulan ang pambubuyo ng China na hamunin tayo sa isang digmaan. Nagpapatrulya­ ang Philippine Coast Guard (PSG) sa Ayungin Shoal, bahagi ng karagatang nasasakupan natin nang tirahin ito ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light. Dahil dito, dumanas ng pansamantalang pagkabulag ang ating mga kawal.

Hindi umuubra ang ipinaiiral na diplomatic approach ng Pilipinas sa determinasyon ng China na palawakin ang teritoryo nito na ang ultimong target ay mabawi ang Taiwan na dating nitong lalawigan.

May mga nagsasabing takot sa digmaan ang China. Lubha raw mapaminsala at magastos ito. Batid din nitong hindi makakayanan ng puwersa nito ang magkakasanib na lakas ng mga kanluraning bansang pinangungunahan ng America, anang mga geo-political analysts. 

Pero sa mga ginagawa ng China ngayon at ang hindi maawat na militarisasyon sa South China Sea, hindi ko makita ang pagkabahag ng buntot nito. O ito kaya ay nag­ta­tapang-tapangan lang para takutin ang mga maliliit na nasyon tulad natin? 

Sabi nga ng Chinese military tactician na si Sun Tzu sa kanyang aklat na Art of War, “kung malakas ka, magkunwang mahina at kung mahina ka, magkunwang malakas.”

Naganap ang insidente kasunod ng naabot na kasun­duan ng Pilipinas  at Japan sa pagdalaw doon ni Presidente Marcos na magkaroon ang dalawang bansa ng visiting forces agreement. Kagaya ito ng ating kasunduan sa Estados Unidos.  

Tingin ko lang, nagpapakita ng “pangil” ang China para ipahatid ang mensaheng hindi ito takot kahit pa magtulung-tulong ang mga kalabang bansa nito. Ang China ngayon ang kontrabidang halimaw ng daigdig!

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with