^

PSN Opinyon

Problema ng fishpond raisers sa Panay Is.  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang pala ang mga inaangkat na crablets o semilya ng alimango ang problema ng fishpond raisers sa Panay Island kundi pati ang pagbebenta ng kanilang mga inaaning alimango ay may pagpuna rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (FBAR). Nais daw ng BFAR na mula sa 400 grams pataas lamang ang puwedeng ibenta ng fishpond raisers. Ewan ko kung saan nakuha ng BFAR ang ideyang ito. Nasa tamang kaalaman kaya ang mga henyong opisyales ng BFAR sa pag-aalaga ng alimango?

Kung susundin ang patakaran ng mga henyong BFAR officials, wala nang aanihin ang mga nag-aalaga ng ali­mango. Sa loob ng apat hanggang anim na buwan kaila­ngan nang anihin ang mga alimango upang maiwasan ang pagkamatay ng mga ito. Ang mga matured na ali­mango ay magiging crabprawners subalit hindi naman ito magkakaroon ng semilya dahil ang mga alimango ay nagbibinhi lamang sa malalim na karagatan ng Bicol at Cagayan.

Kaya kapag naging matured o crabprawners na ang alimango­ ay tinatapon na ito ng fishpond raisers sa ilog upang makalangoy sa malalalim na karagatan. Ang ma­saklap, sa bawat mga ilog sa ngayon ay may mga pansahod na lambat kaya nasasaap din ang mga pinakakawalang crab­­prawners. ‘Yan ang dapat tutukan ng mga henyo sa BFAR kasama na ang mga taga-Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung patuloy na magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan sa matagal nang inirereklamo ng fishpond raisers­ hindi malayong kakapusin tayo sa seafoods. Sayang naman ang programa ni President Ferdinand Marcos Jr. na paunlarin ang sector ng agrikultura ng bansa. Malaking am­bag din sa kaban ng bayan kung magiging masagana ang ani ng mga magpi-fishpond raiser dahil pagmumulan ito nang malaking revenue tax sa pag-eeksport ng seafoods.

Ang mga malalaking alimango ay maaring ieksport at ang mga maliliit o mababa ang timbang ay maaring paki­na­bangan ng mga local na mamimili. Kaya nais ng fishpond­ raisers na iparating nila kay BBM ang problemang pina­lutang ng mga henyong opisyales ng BFAR sa pag-aangkat ng crablets at pagbebenta ng kanilang mga alimango.

Nais din ng fishpond raisers na masusing pag-aralan ng BFAR ang mga programa nito sa pagbabawal ng pag-aangkat crablets sa Bicol at Cagayan at ang standard na size at timbang sa pagbebenta ng inaaning alimango. Ewan ko lang kung may kaalaman ang mga henyong BFAR officials sa size at timbang ng mga native na ali­mango? Kung king crab maaring may katwiran ang mga taga-BFAR dahil talaga namang malalaki at mabibigat ang mga ito bago ipagbili.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with