^

PSN Opinyon

Palpak na kautusan ng BFAR  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NADISMAYA ang mga magpi-fishpond at mangingisda sa Panay Island at Bicol Region sa bagong kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ipinag­bawal ng BFAR ang paghuli ng crablets na pangunahing ikinabubuhay ng mga mangingisda sa Sorsogon, Daet, Camarines, Samar, Cagayan at Aparri.

Sa kautusang ito libu-libong mangingisda ang mawa­walan ng ikabubuhay at magreresulta sa kanilang pagka­gutom. Palagay ko, hindi pinag-aralan ng mga henyong opisyales ng BFAR ang programa.

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga lalawigan na aking­ nabanggit ang source ng crablets na dinadala naman­ sa mga fishpond raiser sa Panay Island, Pampanga at Bulacan na breeding ground ng alimango. Malaking tulong ang crablets sa mga maliliit nating mangingisda. Ito lamang ang kanilang source of income na para naman sa panga­ngailangan ng pamilya.

Pero sa tingin ko, kulang sa kaalaman ang mga opis­yales ng BFAR sa pagpapatigil o pagbabawal sa pana­nalap ng crablets. Ang dapat nilang ipagbawal ay paggamit ng dinamita sa karagatan. Ito ang pumupuksa sa crab prawners na nagluluwal ng mga similya ng alimango. Hindi yata alam ng mga taga-BFAR na ang mga iniluluwal na similya ng crab prawners ay napalalaki lamang sa pama­magitan ng fishpond. Naalagaan ang mga ito napa­palaki ng fishpond raisers.

Kung hahayaan lamang ang crablets, nagiging pagkain lamang ito ng mga isda dahil mabagal silang kumilos sa dagat. Kaya sinasalap ang mga ito ng mga mangi­ngisda at ipinagbibili naman sa fishpond raisers sa Visayas at Luzon.

Para sa kaalaman ng BFAR, ang crablets (tinatawag ding langaw langaw) ay may mga kategoriyang small, medium, at large na akmang maipupunla sa fishpond. Aalagaan ito mula apat hanggang anim na buwan hanggang ma-harvest.

Panawagan ng fishpond raisers at mga nananalap ng crablets sa Bicol at Cagayan sa mga henyong opisyales ng BFAR na pag-aralang muna ang pagbabawal sa paghuli ng crablets. Kinakapos na nga sa pagkain e ipagbabawal pa ang paghuli. Paano dadami ang alimango kung ibabawal ito. Malamang kapag kinapos ang alimango sa bansa, ang isusuhestiyon ng BFAR ay mag-import. Kakahiya ito!

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with