^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pang-aabuso sa mga bata

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pang-aabuso sa mga bata

NAKAPUPUYOS ng kalooban ang report na 9,000 bata ang inabuso, pinagmalupitan at biktima ng sexual abuse noong 2022. Ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC), ang report ay kinuha nila sa mga children protection units sa mga ospital at sa helpline ng CWC.

Ang nakagigimbal sa report ng CWC, nangyari ang pang-aabuso sa mga bata sa loob mismo ng kanilang tahanan. Bukod dito, naganap din ang pang-aabuso sa paaralan at komunidad. Ayon sa CWC, ang mga batang inabuso ay nasa edad 15-17.

Mula 2021 hanggang sa huling bahagi ng 2022 ay pawang naka-online ang mga estudyante. Ipinagbawal ang face-to-face classes dahil sa paglaganap ng nakahahawang COVID-19. At dahil nasa bahay ang mga bata, dito pala nagaganap ang pang-aabuso. Mas mahirap dahil walang mapagsusumbungan ang mga bata sa ginagawa sa kanila. Kanino sila magsusumbong kung ang kapamilya ang nagmamaltrato o umaabuso sa kanila? Mananatili na lamang tahi­mik ang mga bata sa ginagawang pang-aabuso.

Hindi nga sila nanganib sa COVID-19 dahil nasa bahay sila, pero mas matindi pa pala sa virus ang kanilang naranasan. Ang nakapanggigigil ay kung ang mga bata ay maging biktima ng sexual abuse ng sari­ling kadugo. Ito ang pinakamabigat. Sa halip na pro­tektahan sila, kadugo pa pala ang dumadagit sa mura nilang katawan. Ang pambubugbog sa mga bata ng kanilang sariling magulang ay karaniwan na lamang nangyayari. May mga ina o ama na hinahampas ang kanilang mga anak sa kaunting pagkakamali.

Noong nakaraang linggo, na-report na may 404 na kabataan o estudyante sa public school ang nagpakamatay. Wala namang sinabi kung ano ang dahilan ng mga ginawang pagpapakamatay ng mga estud­yante. Isinusulong ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalakas ng mental health ser­vices sa mga paaralan.

Maaring may koneksiyon ang pang-aabuso sa mga bata sa nagaganap na pagpapakamatay. Maaaring­ hindi na makayanan ng mga bata ang bigat ng problema kaya naiisip magpakamatay. Wala naman silang mapagsumbungan.

Ang pagkilos ng DepEd sa problemang ito ay nararapat. Nararapat malaman ang problema ng mga bata. Malaki rin ang maitutulong ng Makabata­ Helpline sa pagtugon sa problema. Tawagan sila sa telephone number 1383, mobile numbers 09158022375 (Globe) at 09603779863 (Smart), email sa [email protected]

vuukle comment

CHILD ABUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with