^

PSN Opinyon

Rep. Salceda, nagkalimutan na ba sa 7 kartel ng sibuyas?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Dalawang linggo na ang nakalipas at tila nakalimutan na ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang kanyang dapat na pasabog.

Sinabi niya, isa-isang ipatatawag sa kongreso ang pitong kartel na nasa likod umano ng onion smuggling at hoarding sa Pinas.

Etong mga tinamaan ng lintik na kartel daw ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng ating sibuyas.

Hamon pa ng mambabatas, silipin ang Subic port dahil naroon ang 50 containers na naglalaman umano ng mga sibuyas na sadyang inipit ng mga kartel.

Aniya, sa ikalawang congressional ng hearing na dapat ginanap noong Enero 30 ay pangangalanan ng Ways and Means Committee ang mga putok sa buhong ulo ng kartel.

Ilang araw bago ang ikalawang hearing, tumawag ako sa tanggapan ni Salceda. Nakausap ko sa telepono si Atty. Caroline Cruz-Sabio, senior chief of staff at kinumpirma niyang may mga ilalabas ngang mga pangalan ang mam­babatas.

Subalit habang sinusulat ko ang kolum na ito, wala pa rin ang mga pangalan ng mga hinayupak na dapat na­ilabas na ni Salceda.

Congressman anong petsa na? May ilalabas ka pa ba talaga? May pa-aid-aid of legislation ka pang nalalaman na naaapektuhan kamo ang ekonomiya. Baka nakalimutan mo lang, this is a kind reminder.

Kami kasi sa BITAG, walang sakit na kalimot. Kaya nag­papaalala lang.

Bumababa na nga ang presyo ng sibuyas dahil may mga nakapasok ng suplay. Nagtagumpay na sa una ang mga kartel, ang lagay, forgive and forget na lang?

Katulad ng isang tinatrabaho ng BITAG ngayon na sumbong ng isang reseller ng sibuyas. Inorder niya ang 1,200 kilos ng pulang sibuyas mula Ilocos.

Pagdating ng mga sibuyas sa Pasay, Manila, ang sana’y 120 bags na papuntang Bicol, nawawala. Scam o naharang nang mahigpit na agricultural checkpoint ng mga pulis?

Congressman Salceda, naghihintay pa rin kami sa BITAG ha.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with