^

PSN Opinyon

Manganganib nga naman ang kita!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TUMUTUTOL daw ang mga local recruitment agency natin dito sa Pilipinas sa panukalang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

Nagpahayag na ng mga kondisyones si Sen. Raffy Tulfo, chairman ng Komite ng Migrant Workers.

Hangga’t hindi bumisita rito ang mga opisyal ng gob­yerno ng Kuwait partikular ang kanilang Ministry of Labor para humingi ng kapatawaran sa pamilya ni Jullebee Ranara at mangako sila na paiigtingin ang kanilang batas­ sa mga krimen tulad ng homicide o murder sa mga OFW, total deployment ban ang kinakailangan. 

Etong mga recruitment agency na ngumangawa’t kumokontra sa deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, naamoy ko kaagad ang baho ng mga hininga. Ang sina­sabi nila, “manganganib” daw lalo ‘yung ating mga kababayan dahil mag-uusbungan ang mga illegal recruiter at human trafficker. 

Lalo raw mahihikayat na umalis ng ilegal ang mga gustong magtrabaho sa Kuwait kahit mapanganib kung mag­kakaroon ng deployment ban.

Ganern? Aba’y sinong niloloko niyo?!

Katwiran n’yo bulok. Aminin na natin, ang gusto ng mga kontrapelong ‘to ay tuloy lang ang pangangakal sa mga OFW lalo na ang mga household worker, basta pera-pera lang. Mula 2005 pa, ganito ang modus operandi ng ilan sa inyo diyan. 

Kapag hindi pumasa at kulang sa mga dokumento at papeles ang aplikante, nire-refer n’yo sa mga kauring illegal recruitment agency. Etong mga illegal recruitment agency ay may mga ahenteng konektado sa mga human trafficker na magpapaalis sa mga hindi pumasang apli­kante.

Pa-coffee-coffee pa ang ilan sa inyo sa mga magagarang lobby ng hotel. Doon nangyayari ang abutan ng inyong komisyon for referral—as in referral fee. 

Pasintabi lang, hindi ko kayo nilalahat. Mismong mga nabiktimang OFW na nakauwi na sa bansa ang mga nagsasabi nito. Eto ‘yung mga pumupunta sa aming tanggapan at inginunguso kayo. Etong mga biktima na ‘to ang mga nagkukuwento na may mapait na karanasan sa kamay ng mga illegal na recruiter at human trafficker na konektado sa ilang recruitment agency. 

‘Yan ang kuwento ng mga nagsusumbong sa BITAG.

Kaya oo nga naman, pag naipatupad ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait o sa iba pang mapanganib na bansa sa Middle East, manganganib din ang kita nitong mga kumokontra!

Magsitigil nga kayo. Ipatupad na ang total deployment ban, period!  

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with