^

PSN Opinyon

Housing sa mahirap nasa tamang direksyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagtagumpay si Presidente Bongbong Marcos na mapunan ang kakulangan ng pabahay para sa mahi­hirap, nasa tamang direkyon ang administrasyon. Malamang na malamang, babalik ang tiwala ng bayan sa mga Marcos.

Kamakalawa, nasa Quezon City ang presidente, ka­sama si QC Mayor Joy Belmonte upang inagurahan ang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH). Ang mga benepisyaryo rito ay maraming tricycle drivers sa lungsod.

Kung ang layunin ni Marcos Jr. sa pagiging presidente ay burahin ang masamang batik sa kanilang pa­milya na iniwan ng nakalipas na administrasyon ng kan­yang ama, tamang-tama ang programang ito, kalakip ang paglikha nang maraming trabaho para sa bawat Pilipino.

Mabuti’t mayroon na muli tayong Department of Human Settlement and Urban Development na magtataguyod sa magkakambal na programang ito: Pabahay at paglikha ng hanapbuhay. Noong panahon ni Marcos Sr. mayroon nang napasimulang ganyang programa, dangan nga lamang at naunsiyami nang patalsikin ng EDSA I ang noo’y presidente.

Wala akong duda na determinado si Marcos Jr. na magtagumpay ang programa niyang ito. Paglalaanan daw ng pamahalaan ng halagang P1 bilyon ang programang ito sa kapakanan ng mga mararalita.

Matindi pa rin kasi ang blackeye at peklat ng naunang Marcos administration kaya naniniwala ako na hindi mag­lulubay si PBBM na itaguyod hanggang sa magtagumpay ang programang ito. Iyan lang at wala nang ibang paraan ang makapaglilinis sa narumihang imahe ng mga Marcos.

Kaya dayunyor, pagbutihan mo hane?

vuukle comment

HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with