^

PSN Opinyon

Alisin ang mga bugok sa PNP!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG nagbigay ng kalituhan ang apila ni Department­ of Interior Local and  Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mag-courtesy resignation ang mga heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP) bilang kasagutan sa kabiguan sa paglilinis ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Umugong ang mga bali-balitang may destabilisasyon naman sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. mula nang iapela ni Abalos na magbitiw ang 956 general at colonel sa PNP.

Bagama’t pinawi naman ng PNP na may nangyayaring­ destabilisasyon sa pamahalaan, hindi nawawala ang pa­ngamba ng mamamayan dahil noong panahon ni dating President Corazon Aquino ay naranasan na ang sindak sa sunud-sunod na kudeta ng military at kapulisan. Naging ma­payapa lamang ang bansa nang magsagawa ng loyalty check sa AFP at PNP hanggang sa matapos ang termino ni Cory.

Sa panahon naman ni dating President Fidel V. Ramos ay nagkaroon din pagsumite ng courtesy resignation ang ilang heneral matapos na italaga si Gen. Recaredo Sar­miento na kabilang sa PMA class ’66 na nilampasan ang mga  senior  official. Hindi kasi kayang tanggapin ng ilang heneral o senior officer na sumunod sa command ng isang junior officer na kinaugalian ng PMA.

Ngayon sa panahon ni President Marcos Jr., tila nadismaya ang ilang heneral at colonel sa apela ni Abalos na mag-courtesy resignation ang may opisyal ng PNP upang magkaroon ng internal cleansing dahil nga sa pamamayagpag ng droga. Nagulat ang DILG nang mahulihan si  Sgt. Rodolfo Mayo Jr ng PDEG ng 990 kilos ng shabu sa Tondo, Manila noong Oktubre na nagkakahalaga ng bilyong piso. Idagdag pa rito ay ang paghuli sa mga opisyal ng PDEA at dalawang agents sa Taguig City sa ginawang buy-bust operation.

Kaya nagsusumikap si Abalos na linisin ang PNP at ang paraan niya ay ang pagbitiwin ang mga heneral at colonel upang maisalang sa itatatag na komite. Ang komite ang mag-a-assess sa mga opisyal na nagbitiw. Maraming heneral at colonel naman ang tumalima sa apela ni Abalos at pinangunahan ito ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin. Nagbitiw din sina: NCRPO director Maj. Gen. Jonnel Estomo, CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee, PRO4-A director BGen. Tateng Nartatez, PRO4-B BGen. Sidney Hermia, PRO6 director MGen. Leo Francisco at Cordillera director BGen. Maffy Bazar pawang kabilang sa PMA Class ’92.

Ang courtesy resignation ng mga matataas na opisyales ng PNP ay may legalidad sa mandato ng PNP law. Nalaman ko, 20 opisyal ang nasa listahan ni Abalos na sangkot sa paglaganap ng illegal na droga. Kung totoo ito, nararapat lamang na walisin ang mga ito upang hindi na magdulot ng kahihiyan sa PNP. Alisin ang mga bugok na ito!

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with