^

PSN Opinyon

Secret enemy’s wrong advice

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung ikaw ay lihim na kalaban ng isang pinuno na nagkukunwaring kakampi, ang pinaka-epektibong paraan para ibagsak ang leader ay subuan mo ng dispalinghadong payo. Kapag sumunod sa iyong payo ang leader, garantisadong babagsak siya.

Demoralisado umano ang militar sa desisyon ni President Bongbong Marcos na alisin sa puwesto ang nakaupong Armed Forces Chief Gen.Vicente Bartolome Bacarro at ibalik ang inalis nang si Gen. Andres Centino.

First time in history nangyari iyan. Noon pang Agosto 2022 bumaba si Centino na pinalitan ni Bacarro. Isang Medal of Honor awardee si Bacarro, bakit siya biglang pinalitan nang walang makatarungang proseso?

Kaya hayan, may malubhang demoralisasyong nangyayari diumano sa loob ng militar. Alam naman natin na kung hindi huhupa ang nagngangalit na demoralisasyon, ang kasunod niyan ay pag-aaklas laban sa presidente ng bansa.

Sa panahong hindi pa tayo nakaaahon sa maraming krisis,  ang pag-aalsa laban sa nakaupong pinuno ay lalong magbubunga nang masama kaysa mabuti.

Naganap ito isang araw bago iutos ni DILG Secretary Benhur Abalos sa lahat ng Philippine National  (PNP) top officials na magsipagbitiw sa harap ng kabiguan nilang sawatain ang naglulubhang drug problem sa bansa.

Kaya ang dalawang sandatahang puwersa ng pamahalaan, PNP at AFP ay may hinanakit sa presidente. Tsk, tsk...delikado!

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with