^

PSN Opinyon

Fuel subsidy sa tricycle drivers

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Natutuwa ako at nahimok ni Senador Alan Peter Caye­tano ang Secretary ng Department of Transportation na si Jaime Bautista na pabilisin ang pagbibigay ng fuel subsidy sa tricycle drivers. Sana tuparin niya ang pangako.

Sa confirmation hearing ng Commission on Appoint­ments sa nombramiyento ni Bautista, iginisa siya ni Cayetano sa mga programang nabibinbin  sa DOTr. Higit na mahalaga­ rito ang ayuda sa tricycle drivers o subsidy sa harap ng walang humpay na pagtataas sa presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Mula pa sa rehimen ni President Duterte ay nakasalang na ang panukalang ito pero hindi naaksyunan nang ganap. Tiniyak naman ni Bautista na pabibilisin ng kanyang departamento ang pagbibigay ng fuel subsidy sa sektor ng trike drivers na hindi pa nakatatanggap sa bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilalaan ng gobyerno.

Hiniling ni Cayetano sa dating presidente ng Philippine Airlines (PAL) na gamitin ang abilidad niya sa private sector sa gobyerno. Kaya naman, dalawang araw matapos igisa si Bautista ng senador, nagpulong ang dalawa at nagkasundo sa ilang mga bagay lalo na  ang pagbibigay ng fuel subsidy sa tricycle drivers.

Ayon kay Cayetano, 6,000 tricycle drivers pa lang ang nakatatanggap ng subsidy gayung ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), may 600,000 ang kabuuang bilang nila sa buong bansa. Malaking issue ito dahil naglaan ang gobyerno ng P2.5 billion para sa subsidy sa lahat ng public utility drivers. Katuwiran ni Bautista, kulang daw ang listahan ng tricycle drivers sa ilang mga local government units (LGU).

Ayon kay  kay Cayetano, kung kulang ang master lists sa lokal na pamahalaan, puwede itong punan ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA). Kahit saang sulok ka pumunta ay may TODA na kumpleto ang listahan ng kani-kanilang mga miyembro.

Sa meeting kamakailan, nagkasundo sina Cayetano at Bautista na idaan na lang sa LGU ang pamamahagi ng subsidy. Una, may kakayahan ang LGU gaya nang ipinakita noong pandemic. Nagawa nilang mag-distribute ng ayuda sa mga mamamayan. Pangalawa, madali nilang makuha ang tulong ng mga TODA dahil sila ang direktang nangangasiwa ng mga ito.

vuukle comment

ALAN PETER CAYE­TANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with