^

PSN Opinyon

Pagpapatigil sa NCAP nagpalubha sa trapik

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Noong una, duda ako sa No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban dito, natuwa na sana ako. Pero napansin ko na nagbalik ang mala-bangungot na kondisyon ng trapiko. Marami kasing pasaway na motorista na nag-aagawan ng puwesto sa kalsada.

Ang worry ko noon, hindi patas sa mga may-ari ng sasakyan na sila ang magmumulta kahit hiniram ng ibang tao ang kanyang mga behikulo. Ang hindi ko napansin noon, naging maingat ang mga motorista. Nagluwag ang daloy ng trapiko. Bumaba ang mga naitalang traffic violation sa Parañaque, Quezon City, Maynila, at Valenzuela 75% hanggang 95%. Nang isuspinde ang NCAP, nitong mga nagdaang araw sa pagbibiyahe ko, parang oras-oras ay rush hour. Terible ang traffic!

Ang unang reklamong iniharap sa Korte ay mula sa transport groups. Anila, mamamayagpag daw ang ­pangongotong ng mga awtoridad sa drivers. Dagdag nila, hindi umano makatwiran ang penalties sa NCAP. Magkaiba kami ng argumento. In fairness, matitigil nga ang kotong dahil wala nang sisita sa mga motorista. Ibabatay ang multa sa makukunang violation sa CCTV camera. Sabi naman ng isang abogado, wala raw due process dahil hindi nasabihan ang driver sa kanyang mga violations.

Pero dapat mabatid na bawat LGU ay may sariling traffic adjudication boards. Puwedeng i-apela dito ang mga violations.  Hindi rin sini-share sa publiko ang mga data na nakokolekta sa NCAP kaya imposible ang violation ng right to privacy. Nagbago man ang pananaw ko sa sistemang ito, ito’y dahil personal kong naikumpara ngayon ang mga panahong ipinatupad ito at nang ito’y pansamantala ng suspendihin.

Ngayong suspendido ang NCAP, grabe to the max ang sikip ng trapik!  Kaya kung ayaw nating magmulta nang hindi naman tayo ang nagsisi-drive, huwag na lang magpahiram ng sasakyan, maliban na lang kung talagang hindi mapahindian ang humihiram.

Kung itutuloy ang NCAP sa mga LGU, sisigla ang Public-Private-Partnerships Mapopondohan ang mga kagamitan sa No Contact Apprehension Policy. Sa suspension ng NCAP, tuloy ang pangongotong ng mga tiwaling enforcers lalo pa’t ayaw ng ilang motorista na ma-hassle sa huli. Maglalagay na lang sila kaysa matiketan.

vuukle comment

NCAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with