^

PSN Opinyon

Ituloy lang natin ang “winning streak” #ProudMakatizens!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa pala tapos ang pag-ulan ng mga parangal at rekognisyon para sa Makati. Kung last week ay humakot tayo nang napakaraming awards mula sa Department of Finance at Department of the Interior and Local Government, ngayon naman ay sa Tatler tayo natampok bilang isa sa pinakamaimpluwensyang lider sa Asya.

Ikalawang taon na natin sa pristehiyosong listahang ito ng Tatler. Ang Asia’s Most Influential ay piling-piling mga lider, celebrity, negosyante, at thought-leaders sa Asya. Malaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa mga tinatawag na A-lister pagdating sa pagsulong ng positibong pagbabago sa ating rehiyon.

Isipin niyo naman kung gaano ka-bongga ang listahan. Kasama ang Hollywood star na si Michelle Yeoh ng Ma­laysia; Jennifer Yu Cheng, ang education champion at tech-philanthropist ng Singapore; si Luke Horace ng Taiwan na nagpakilala ng smart grid-powered scooters; Eva Chen, ang Co-founder and CEO, Trend Micro, at isa sa ‘most powerful Taiwanese women in tech’; at marami pang iba.

Taun-taong inilalabas ng Tatler Asia ang kanilang listahan ng pinaka maimpluwensiyang mga indibiduwal sa Asya, at mapalad tayo na muling makasama dito. Napili rin tayo ng Tatler noong Abril para makabilang sa “Women of Impact” 2022 List: Filipinas Who Have Made Their Mark”.

Gusto kong magpasalamat sa Tatler sa patuloy na pagkilala at pagbibigay rekognisyon sa aking mga kontribusyon sa larangan ng digital transformation, climate action, at good governance bilang Mayor ng Makati. Makakaasa kayo na tuluy-tuloy lang ang ating mga programa para sa mas maraming innovations at social services para sa ating lungsod.

***

Invited ang lahat ng #ProudMakatizens na makisaya sa ating Traveling Exhibit ng Museum and Cultural Affairs Office (MCAO) na nagsimula noong November 3. Tampok dito ang pitong makabuluhang pamana ng lungsod at iba pang likhang sining na idinisenyo ng National Artists for Architecture.

Exciting ito dahil sa 2nd day ng traveling exhibit sa barangay ay itinatanghal ang “Kati,” isang 20-minute play ng University of Makati Collective Arts of Students and Thespians (UMak CAST). Sa pamamagitan ng mga awitin­, sayaw, at makukulay na props, tinatalakay sa dula ang kasaysayan ng Makati.

Libre ito sa lahat kaya mark your calendars na! Narito ang schedule:

 Nov. 3-4, 2022 - Bgy. Bangkal Covered Court; Nov. 7-8, 2022 - Bgy. San Antonio Community Sports Complex; Nov. 10-11, 2022 - Bgy. Sta. Cruz Hall Parking Area; Nov. 14-15, 2022 - Bgy. Valenzuela; Nov. 17-18, 2022-Bgy. Rizal; Nov. 21-22, 2022 - Bgy. Comembo; Nov. 24-25, 2022 - Bgy. West Rembo; Nov. 28-29, 2022 - Bgy. Pitogo; Dec. 1- 2, 2022 - Bgy. Guadalupe Viejo; Dec. 5-6, 2022 - Bgy. Bel-Air; Dec. 8-9, 2022 - Bgy. San Lorenzo; Dec. 12-13, 2022 - Bgy. PP Southside;

Bukas pa rin ang month-long exhibit “Poets for Climate” exhibit sa Makati City Hall lobby. Ang exhibit na ito ay naglalayong dagdagan ang kaalaman ng ating Proud Makatizens tungkol sa climate change sa pamamagitan ng sining at tula. Kapartner natin dito ang Embassy of the United Kingdom and Northern Ireland at ang Climate Reality Project Philippines.

vuukle comment

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with