^

PSN Opinyon

Kasalanan daw ng tao, hindi ng quarries, ang baha

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Baluktot ang katwiran ng bureaucrats ng Dept. of Environment and Natural Resources. Kesyo hindi raw nagdudulot ng baha ang rock quarries sa taas ng bundok. Dahil taun-taon ang tag-ulan, natural lang daw bahain ang mga lambak sa ibaba. Bukod du’n, tambak ang basura sa mga komunidad na nagbabara sa mga kanal.

Totoong bumabagyo kada taon. Totoong maiipon ang ulan sa lambak, tulad ng Marikina-San Mateo-Cainta. Totoong­ nakakadagdag sa baha ang basura. Pero kapag kinalbo ang gubat sa bundok, mawawala ang pampigil sa baha. Bubulwak agad sa mga komunidad. Mali ang pahiwatig ng DENR bureaucrats na dapat umalis ang mga tao sa ibaba para hindi mapinsala ng quarries sa itaas.

Mag-aral sana sila ng kasaysayan. Mahigit 500 taon na may naninirahan sa Marikina-San Mateo-Cainta. Ang Cainta noon ay kutang Malay na napapalibutan ng ka­wa­yan at kanyon. Kasama ang ilang Bisaya, nilakbay ng mga barkong pandigma ni Legaspi ang Ilog Pasig at nilupig ang kuta. Sa madaling salita, komunidad na noon ang ibaba. Nagkaroon lang ng quarries sa Upper Marikina Basin Watershed nitong nakaraan 50 taon. Mula nu’n, naging problema na ang baha.

Sa pananaw ng DENR bureaucrats, tungkulin nila ipa­mahagi imbis na protektahan ang likas na yaman ng bansa. Paspasan nila pinahihintulutan ang pagmimina maski salaula ang kumpanya. Kesyo raw mauudlot ang infrastructure program ng gobyerno kung walang quarries na pagkukuhanan ng graba.

Kalokohan! May bagong teknolohiya na ngayon sa pag­gamit ng lumang gulong ng sasakyan at basurang plastic para gawing kalsada.

Pinupulbos ito bilang pamalit sa semento at aspalto. Kapag tinibag ang bundok, hindi na ito tutubo muli.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with