^

PSN Opinyon

5 smugglers ng sigarilyo, nasakote ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI tatantanan ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee ang mga sindikato na nasa likod ng pag-hoard ng countefeit o smuggled na imported na sigarilyo dahil nilalansi nila ang gobyerno sa pamamagitan ng hindi pagbayad ng tamang tax. Nangako si Lee na sa ilalim ng Oplan Olea at Salikop, tutugisin n’ya ang lahat ng sindikato na sangkot sa cigarette smuggling sa bansa.

Inilabas ni Lee ang kanyang warning matapos masakote ng kanyang tauhan ang limang miyembro ng Wally criminal group na sangkot sa cigarette smuggling matapos salakayin ang kanilang kuta sa harap ng isang restaurant sa Doña Remedios Trinidad Highway sa Baliuag, Bulacan noong Setyembre 20.

Kusang sumuko naman ang lima at kinasuhan sila ng violation of R.A. 7394 o Consumers Act of the Philippines, Article 315 of the Revised Penal Code at R. A. 8293 o ang Intellectual Property Act. Eh di wow! Hak hak hak! Malaki-laki rin ang piyansa nitong apat, ano mga kosa. Dipugaaaaa! Mababawasan na naman ang laman ng bulsa ni Wally.

Ayon kay Lee, ikinasa ng mga tauhan niya ang ope­ration matapos magreklamo si Solomon Dador Jr., ITP Execu­tive ng Philippine Morris Philippines na naglipana ang smuggled na produkto nila, hindi lang sa Luzon, kundi maging sa ibang bahagi pa ng Pinas.

Itong smuggled cigarettes kasi mga kosa ay hindi nagbabayad ng tamang Customs Duties and Taxes kaya puwedeng ikasa ng sindikato na mura ang naturang siga­rilyo sa kalye. Siyempre, ang malimit tinatamaan sa prosesong ito ay ang malalaking kompanya ng sigarilyo na nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno, di ba mga kosa? Mismooooo!

Nakorner kaagad ng mga operatiba ni Lee sina Dan Louie dela Cruz, 29; Harold de Leon, 40; Wally Maniego, 39; Edward Villangca, 46, at Mark Nicolas sa isang buy-bust/entrapment operation. Eh di wow! Hak hak hak! Swak ang lima sa mga bata ni Lee. Dipugaaaaa!

Nakumpiska sa mga suspect’s ang P1,000 marked money, apat na brown box na naglalaman ng 50 kaha ng Marlboro cigarettes na nagkakahalaga ng P120,000 kada isa. Dipugaaaaa! May katapusan talaga ang mga ilegal na aktibidades, ‘no mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ng mga kosa ko na itong si Wally ay magtsi-tsi­nelas lang subalit malakas pumusta sa sabong, lalo na sa mga pa-derby ng World Pitmasters Cup ni Charlie “Atong” Ang. Ara­gu­uyyyyy! Hak hak hak! Binabantayan ng tropa ni Lee kung babalik sa dating gawi ang tropa ni Wally at sasalakayin na muli ang kuta nila. Eh di wow! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

CIDG

SMUGGLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with