^

PSN Opinyon

Nakakahiya naman sa mga batang may cancer

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

PERSONAL na bagay ito para sa akin ngunit hindi ko kayang itago sa mga tao ang katapangan ng mga munting anghel na  pansamantalang nakatira sa House of Hope.

Sila ‘yung mga batang may cancer na nagpapagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)  at nakatira pansamantala habang nagpapagamot sa House of Hope dahil nga wala silang mauuwian habang narito sila sa Davao City dahil sila ay nanggaling pa sa ibang mga lalawigan.

Ang House of Hope ay naging proyekto ni dating President Rodrigo Duterte na sinimulan niya kahit noong hindi pa siya mayor ng Davao. Ito nga ay pinatatakbo ni Doc Mae Dolendo na taga-pangasiwa sa mga kinakailangan sa half-way house upang maayos naman ang pagtira ng mga batang may cancer.

At sa murang edad ng mga batang eto ay nagpapa-chemo therapy at ang iba ay nagpapa-radiation therapy naman upang labanan ang cancer.

Tuwing nakikita ko ang mga bata tumitiklop ako sa hiya dahil wala ako ni katiting sa tapang nila sa pagharap sa cancer. 

Nahihiya ako dahil walang takot na hinaharap ng mga bata ang cancer habang karamihan sa nakakatanda ay may takot at pangambang hindi makakayanan ang paglaban sa sakit.

Sa mga may cancer, lalong maintindihan at matatanggap ninyo ang sakit na ito sa mukha ng mga bata sa House of Hope. 

vuukle comment

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with