^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag balewalain ang leptospirosis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag balewalain ang leptospirosis

PARAMI nang parami ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Ayon sa Department of Health (DOH) umakyat na sa 1,462 ang kaso sa buong bansa at 203 na ang namatay. Ang baha ang itinuturing na dahilan kaya tumaas ang kaso ng leptospirosis. Kontaminado ang baha ng ihi ng mga hayop, parti­kular na ang daga. Kapag pumasok ang mikrobyong leptospira sa sugat na nasa binti, paa, kamay o pisngi, dito na lilitaw ang mga sintomas ng leptospirosis. Makararanas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamu­mula ng mga mata, paninilaw ng balat, kulay tsaa na ihi, kaunti ang iniihi at sobrang pananakit ng ulo.

Karaniwang nagkaka-leptospirosis ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Nang bumaha noong Biyernes sa Maynila, maraming bata ang tuwang-tuwang nakalublob sa bahang kalsada. Mayroon ding dumadayb sa estero. May lulubog-lilitaw sa mga iniwang hukay ng DPWH. Kahit marumi dahil sa burak at basura, walang pakialam ang mga bata na walang tigil at masayang-masaya habang naglulunoy sa baha na kontaminado ng halo-halong ihi ng hayop. Ang masayang paglalaro ng mga bata ay mapapalitan ng iyak at hagulgol ng mga magulang makaraang tamaan ng leptospirosis ang kanilang mga anak.

Payo ng DOH, kung lulusong sa baha, dapat naka­suot ng bota. Kung may sugat sa paa, huwag nang tangkaing lumusong sapagkat malaking problema ang kahaharapin. Hindi biro kapag nagkasakit ng leptospirosis.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pag­tatapon ng mga basura, tiyak na walang daga. Hindi nabubuhay ang mga daga sa malinis na lugar.

Inaasahan naman ang maigting na kampanya ng DOH laban sa leptospirosis. Nararapat ma­imulat ang mamamayan para hindi sila mapahamak sa sakit.

Bantayan naman ng mga magulang ang kanilang anak para hindi magtampisaw sa kontaminadong baha ngayong panahon ng tag-ulan. Huwag hayaang ang mga pangarap ay sirain nang nakakamatay na sakit.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with