^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panganib ng dengue at leptospirosis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panganib ng dengue at leptospirosis

Nagbabanta ang dengue at leptospirosis. Ayon sa Department of Health (DOH) tumaas ng 100 percent ang kaso ng dengue. Ayon sa DOH, mula Enero 1 hanggang Agosto 6, nakapagtala na ng 118,526 kaso ng dengue. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa naitalang kaso, 18,208 ang naospital at 365 umano ang namatay. Pinakamataas ang kaso sa Central Luzon na nakapagtala ng 5,838 kaso. Sinundan ng National Capital Region, 2,689 at Calabarzon, 2,369.

Ang dengue virus ay galing sa lamok na Aeidis Aegypti. Madaling makilala ang lamok na ito dahil sa itim at puting guhit sa katawan nito. Sa araw lamang ito nangangagat. Paboritong tirahan ng lamok ang mga basyo ng bote, goma o gulong na may istak na tubig, mga tabo o paso ng halaman. Nangingitlog din ang mga ito sa mga estero na hindi umaagos. Naninirahan din sa malalagong halaman. Ipinapayo na huwag magsasampay ng damit sa madilim na bahagi ng bahay.

Palatandaan ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng ulo at katawan.

Patuloy din ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis. Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Agosto 6, 2022, nakapagtala na ng 1,411 kaso ng leptospirosis at 156 dito ang namatay. Pinakamarami ang kaso sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Cagayan Valley. Pinag-iingat ang publiko sa paglusong sa baha.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Tinatawag ang virus na leptospira. Pumapasok ang virus sa sugat na nasa paa o binti ng taong lumusong sa baha, dito na magsisimula ang leptospirosis. Ipinapayo ng DOH na huwag lumusong sa baha ang may sugat sa paa at binti. Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, magsuot ng bota para may proteksiyon sa virus.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Ayon sa mga doctor, lumalabas ang mga sintomas makaraan ang pitong araw pagkalusong sa baha na kontaminado ng ihi.

Magtulung-tulong ang lahat sa paglipol sa mga daga. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with