^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Esep-esep muna sa Dengvaxia

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Esep-esep muna sa Dengvaxia

Naghahatid ng pangamba ang pagtaas ng kaso ng dengue. Ayon sa Department of Health (DOH) tumaas ng 90 percent ang kaso ngayong taon kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan at petsa. Nakapagtala ng 64,797 kaso ng dengue mula Enero 1, hanggang Hunyo 25, 2022. Noong nakaraang taon, nakapagtala lamang ng 34,074 na kaso mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2021.

Ang pagtaas ng kaso ng dengue ang dahilan para isulong ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante­ ang paggamit ng Dengvaxia vaccine. Ang Deng­­­vaxia umano ang ginagamit sa Thailand, Malaysia, Indo­nesia at Singapore para maproteksiyunan ang mamamayan laban sa dengue. Panahon na aniya para gamitin ito sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng dengue cases. Dapat umanong rebyuhin ang data ng Dengvaxia at ang bene­pisyo nito. Ang mahalaga umano ay ang tamang reko­mendasyon at pagdetermina sa indication kung kailan gagamitin ang Dengvaxia. Mahalaga rin aniya kung anong edad o grupo ibibigay ang bakuna. Niliwanag ni Solante na suspendido ang paggamit ng Dengvaxia at kailangan munang maalis ang suspension bago magamit ng mga Pilipino.

Mahalaga ang bakuna sa dengue pero dapat munang pag-isipan kung matatanggap pa ba ng mamamayan ang Dengvaxia lalo’t sariwa pa ang kontrober­siya ng bakunang ito. Pagkakatiwalaan pa kaya ang Dengvaxia dahil sa pagkakamali na inamin ng manu­facturer nitong Sanofi Pasteur.

Noong 2017, inamin ng Sanofi Pasteur, base sa kani­lang natuklasan sa Dengvaxia na palalalain nito ang sakit kapag nabakunahan ang isang hindi pa nag­kaka-dengue. Ayon sa pahayag ng Sanofi, kaila­ngan ay nagka-dengue na ang pasyente bago baku­nahan. Magkakaroon umano ng kumplikasyon kapag bina­ku­nahan ang hindi pa nagkaka-dengue.

Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi agad ito ipinaalam ng manufacturer ng Dengvaxia. Kailangang lumipas pa ang mahigit isang taon bago nila nadiskubre ang kahihinatnan ng mga batang nakatanggap ng bakuna noong Abril 2016.

Mahigit 700,000 batang mag-aaral sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Central Luzon ang bina­kunahan ng Dengvaxia na inaprubahan ng Department of Health (DOH). Binakunahan ang mga ito na hindi muna inalam kung nagka-dengue na o hindi pa.

Pag-isipang mabuti ang Dengvaxia bago irekomenda. Marami na ang nawalan ng tiwala sa bakunang ito. Mas mabuti kung magkaroon na lang ng kampanya na maglinis sa kapaligiran para makontrol ang pagdami ng mga lamok na may dengue.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with