^

PSN Opinyon

Dagdag-puhunan para sa mga negosyo

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Libu-libong QCitizens ang nawalan ng trabaho at pagka­kakitaan noong pandemya pero marami pa rin ang nag­su­sumikap para sa kanilang mga pamilya. Isa rito si Antonio Chu na nagtitinda ng iba’t ibang pagkain at inumin. Pero humina ang kita at muntik nang mawala ang kanyang ne­gosyo matapos tumaas ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa kanilang lugar. Kalaunan, nabigyan siya ng bagong pag-asa at natulungan siya ng ating programang Pangkabuhayang QC.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pandagdag puhunan o capital assistance at livelihood training ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya, mga nawalan ng trabaho, na­ba­wasan ng kita, at walang trabaho na PWDs, solo parents, at iba pang naghihirap nating kababayan. Sa Phase 1 ng programa, mahigit 25,000 na maliliit na negosyo ang nakatanggap ng P10,000-P20,000 na puhunan.

Kamakailan, muling binuksan ang aplikasyon para sa Pang­kabuhayang QC. Sa ikalawang yugto nito, mas pinadali at pina­simple na ang proseso para hindi na kailangan pang pumila nang matagal. Sa loob ng QC E-services Portal (qceservices.quezoncity.gov.ph), maaari nang punan ng mga gustong maging benepisyaryo ang application form. Makakapili na sila ng araw at oras para sa kanilang interview na bahagi ng application process. Makikita rin ang mga dokumentong kaila­ngang dalhin sa interview sa District Action Office. Kung naka­pasa, bibigyan na sila ng iskedyul para sa training at payout.

Naniniwala ako na malaki ang kakayahan ng mga QCitizen na umunlad lalo na kung bibigyan ng mga karagdagang training, puhunan, at iba pang kaalaman. Sa tulong ng mga progra­mang tulad nito, hindi lang natin binibigyan ng ayuda ang mga mamamayan kundi nagkakaroon din sila ng pagkakataong maging matagumpay.

Sa QC, hindi lang minsanang ayuda ang ipinapamahagi, kundi sinisikap din nating bigyan ng pag-asa at pagkakataong umasenso sa buhay ang ating QCitizens.

vuukle comment

QCITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with