^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tax sa single- use plastics

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tax sa single- use plastics

Lahat nang maaaring pagkunan ng pondo ay ga­gawin ng Marcos administration para mapu­nan ang pangangailangang pinansiyal ng bansa at para makabayad din sa utang na umaabot na sa P13 trilyon at posible pang lumaki sa pagtatapos ng taon. Kabilang sa mga pagkukunan ng pondo ay ang pagbubuwis sa single-use plastics. Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, kikita ang pamahalaan ng karagdagang P1 bilyon taun-taon sa buwis mula sa single-use plastics. Ayon pa sa Finance secretary, hindi lamang karagdagang pondo ang idudulot ng pagbubuwis sa plastics kundi makatutulong din sa paglaban sa climate change. Ayon sa World Bank, ang plastic production sa Pilipinas ay nakapag-contribute ng $2.3 billion sa ekonomiya ng bansa noong 2018. Karaniwang ang bumibili ng mga produktong nasa single-use plastic ay mga mahihirap at middle-income na pamilya. Karaniwang nasa sachet ang mga produktong binibili. Dahil dito, tinatagurian ang Pilipinas na “sachet economy” na nagpapalubha sa pagdami ng basurang plastic na nakasisira sa kapaligiran.

Sa inagurasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo 30, binanggit niya ang tungkol sa plastic pollution kung saan, ikatlo ang Pilipinas sa plastic­ polluter. Sinabi ni Marcos na hindi tatalikuran ang problema sa plastic pollution at lilinisin ang mga kalat.

Karaniwang hinahantungan ng mga plastic na basura, kabilang na ang mga single-use plastics ay ang karagatan. Karaniwang makikita ang mga basurang plastic sa mga estero, kanal, sapa at iba pang daluyan ng tubig. Nagdudulot ito nang pagbaha sapagkat hindi natutunaw. Hahantong sa dagat ang mga plastic at apektado rin ang mga lamandagat. Maraming bal­yena ang namamatay sapagkat nakakain nila ang plastic at iba pang basurang dagat.

Kikita ang pamahalaan sa pagbubuwis sa single-use plastics subalit walang malinaw na nakikita kung paano masosolusyunan ang plastic pollution. Tiyak­ na patuloy ang produksiyon ng plastic kahit pa taasan ng buwis. Dapat magkarooon din ng kampanya ang pamahalaan kung paano maitatapon nang ma­ayos ng mamamayan ang mga plastic upang hindi maapektuhan o masira ang kapaligiran. Hindi tapon dito, tapon doon.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with