^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Inaabuso ang 4Ps

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Inaabuso ang 4Ps

ANG Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay sinimulan noong 2007 sa administrasyon ni dating President Gloria Macapagal Arroyo at ipinagpatuloy ng administrasyon ni dating President Benigno “Noynoy” Aquino. Ang pondo sa 4Ps ay nag­mula sa Sin Tax Reform Act of 2012.

Ang 4Ps ay national poverty reduction program na nagbibigay ng tulong na pera sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon na ang layunin ay mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon at makakamit ng edukasyon. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nanganga­siwa sa pamamahagi ng 4Ps.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ang mga sumu­sunod ng:

P300 bawat anak o bata buwan-buwan na naka­enrol sa day care at elementary programs sa loob ng 10 buwan bawat taon;

P500 sa bawat anak buwan-buwan na nakaenrol sa junior high school sa loob ng 10 buwan;

P700 sa bawat anak buwan-buwan na naka-enrol sa senior high school sa loob ng 10 buwan;

At P750 para sa health and nutrition bawat buwan sa loob ng isang taon.

Makukuha ng 4Ps beneficiaries ang kanilang cash grant sa mga banko na inatasan ng DSWD. Ang lahat ng 4Ps beneficiaries ay covered ng National Health Insurance Program. Noong Abril 17, 2022, nilagdaan ni President Duterte ang Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act. Dahil sa pagkakalagda ng batas, obligadong pagkalooban ng cash grant ang mga klasipikadong mahihirap na pinatunayan ng Philippine Statistics Authority. Kailangang makasunod sa criteria ang mga pagkakalooban ng cash grant.

Maganda ang layunin ng 4Ps subalit inaabuso na ng ilan. Kahit nakatapos na, nag-graduate na, pa­tuloy pa ring tumatanggap at hindi nirereport ang kanilang totoong sitwasyon. Patuloy na nagdedepende at nag-aarimuhan sa ipagkakaloob ng gobyerno. Kahit naambunan na ng tulong patuloy pa ring nakasahod ang mga kamay.

Isang araw makaraang makapanumpa si President Marcos, inatasan niya si DSWD sec. Erwin Tulfo na linisin ang listahan ng 4Ps beneficiaries. Ito ay para masiguro na hindi nagkakaroon nang pag-aabuso.

Nararapat lamang na linisin ang listahan ng bene­pisyaryo. Hindi habang panahon ay aasa ang mahi­hirap. Kailangang pagyamanin ang nakuhang ayuda para hindi na sila nakanganga at laging umaasa.

vuukle comment

4PS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with