^

PSN Opinyon

Mga pagkain para sa lalaki  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga pagkain na bagay para sa mga lalaki. Malaki ang maitutulong ng mga ito para sila ay maging masigla at malusog.

1. Matabang isda (fatty fish) tulad ng dilis, sardinas, bangus, tanigui, tuna, tawilis—Ang sustansiyang nakukuha sa isda ay ang omega-3 fatty acids. Ang fatty fish ay posibleng tumutulong laban sa sakit sa puso, stroke, hypertension, depression, joint pain, lupus at rheumatoid arthritis.

2. Mga beans at munggo—Mababa sa taba, ang mga beans ay isang mahusay na pinagmumulan ng protina at fiber. Maaaring magkaroon ng proteksiyong epekto ang beans laban sa sakit sa puso at kanser.

3. Kamatis at tomato sauce—Ang kamatis ay may lycopene, isang mabisang panglaban sa prostate cancer sa lalaki at sakit sa puso. May tulong ang lycopene sa balat at pagprotekta laban sa UV light ng araw.

4. Pulang karne (red meat) at hindi taba—Ang karagdagang protina ay nakapagpapalusog. Ang protina ay guma­gamit din ng mas maraming calories at nasusunog ang protina. Ang amino acid leucine ay matatagpuan sa pulang karne. Mahalaga ang amino acid dahil sa pagpapatatag ng masel sa katawan. Piliin ang lean meat na walang taba. Kumain ng katamtaman.

5. Seafoods—Ang mga alimango, tulya, talaba, hipon at iba pang shellfish ay may zinc, mababa sa calories at mataas sa protina. Kailangan ng lalaki ang zinc para makabuo ng semilya. Tinutulungan din nito ang iyong prostate. Kung ikaw ay kulang sa zinc, tataas ang tsansa na ikaw ay magkaroon ng prostate cancer.

6. Saging at potassium—Para sa mga masakit na kalamnan at pulikat. subukan ang mga saging. Kung sapat ang potassium ay puwedeng makaiwas sa mga ito. Ang saging ay mataas sa potassium. At kung ikaw ay may mataas na presyon, ang potassium ay mahalaga bilang pagbawas ng sodium para mapababa ang blood pressure.

7. Berdeng gulay (green leafy vegetable)—Madahon at berdeng gulay ang kangkong, malunggay, spinach, alugbati, dahon ng sili at lahat ng talbos. Ito ay mayaman sa antioxidants lutein at zeaxanthin na mabuti sa paningin. Ang phytochemicals sa gulay ay pinatataas ang cellular health at makatutulong sa pagpapababa ng tsansa na magkaroon ng kanser.

8. Orange na gulay—Subukan ang mga karot, kamote, kalabasa at orange bell peppers. Ang orange na gulay ay may maraming bitamina C, lutein at beta-carotene. Mabuti ito sa mata at pinipigilan ang sakit sa puso at kanser. Kaya kumain nang maraming mga gulay na iba’t iba ang kulay.

9. Itlog—Ang itlog ay masarap at masustansiyang protina na puwede idagdag sa iyong pagkain. Ang isang malaking itlog ay mayroong 6 grams protina, 63 mg potassium at 78 calories lamang. Puwede kumain ng isang itlog bawat araw.

10. Luya—Ang luya ay may tulong sa masakit at pagod na kalamnan. Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakababawas ng paninigas at sakit ng 40%. Ang salabat ay maganda rin sa pagduduwal, mabilis na paggaling at pag-alaga ng boses.

vuukle comment

PAGKAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with