^

PSN Opinyon

Gambling lord na si Tony Co, binastos si BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagbukas ang jueteng ni alyas Tony Co sa Albay kahapon kasabay nang pag-upo ni President Bongbong Marcos sa Malacañang. Habang abala si BBM sa pagkum­pleto ng Gabinete niya, na-take advantage ito ni Tony Co at inumpisahan ang palaro niyang jueteng.

Si Tony ang binasbasan ng bagong upong governor ng Albay na si Noel Rosal na mamahala ng pasugalan sa pro­binsiya niya. Parang binastos nina Gov. Rosal at Tony Co si BBM, ano mga kosa? Mismooooo! Sino si Tony Co na uma­no’y taga-Masbate? Ang pumiyok siya ‘yun! Araguuyyyyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Pinalitan lang ni Tony Co ang palaro ng Peryahan ng Bayan sa Albay matapos magsara ito dahil na-raid ng NBI noong Hunyo. Naaresto ang 35 katao at gumastos ang manage­ment na si Kap Nemo ng halos P1 milyon sa piyansa, maliban pa sa P300,000 na ‘‘pabaon’’ sa raiders. Araguuyyyyy!

Kaya naman tuluyang nagsara ang palaro ni Kap Nemo dahil binalikan siya at hiningan ng mga ahente ng NBI ng weekly tara na P500,000 kada linggo. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Dapat i-raid din ng NBI ang jueteng ni Tony Co para di sila maakusahan na may kinikilingan, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi naman ng kosa ko na hindi totoo ang istorya na humingi ang NBI ng payola. Ang katotohanan, aniya, ay tinamaan ang palaro ni Kap Nemo ng P4.8 milyon at hindi na ito nakabayad. May isang alyas Jun na hinikayat si Kap Nemo na ‘wag nang magbayad tutal ipasasara sila tiyak ni Gov. Rosal sa pag-upo nito. Hinirit pa ni alyas Jun na bigyan siya ni Kap Nemo ng P1 milyon bilang ayuda n’ya. Araguuyyyyy! Hak hak hak! At itong si alyas Jun ang nag­rekomenda kay Gov. Rosal para pumasok ang jueteng ni Tony Co? Dipugaaaaa!

Kaya ko naman nasabing jueteng ang palaro ni Tony Co dahil wala pa namang ina-appoint si BBM na general ma­nager ng PCSO kung saan mag-aappy muna sila kung STL o PNB ang gagamitin niya. Eh aabutin ng buwan bago mabigyan ng prangkisa ang Albay dahil rerebisahin pang maigi ng PCSO ang mga dokumento ni Tony Co nga. May pag-asa pa na hindi maaprubahan ito, di ba kosang Rainier Allan Ronda? Mismooooo! Hak hak hak!

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na binastos ni Tony Co si BBM. Dipugaaaaa! At hindi magandang umpisa ito sa liderato ni BBM. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Habang nag-oathtaking si BBM sa National Museum, dumating naman ang mga bataan ni Tony Co galing sa Masbate, sakay sa ilang van na may sakay na aabot sa 50 armadong kalalakihan. Nang mag-check in sa Marison hotel sa Legaspi City, abaaaa may ilan pa sa kanila na nakasukbit ang baril sa bayywang. Tsk tsk tak! Hak hak hak! Parang giyera ang lakad nitong mga bataan ni Tony Co ah! Dipugaaaaa!. Abangan!

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with