^

PSN Opinyon

Sa Quezon City, tanggap at paninindigan kita

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Napuno ng kulay ang Quezon Memorial Circle noong Sabado. May asul, pula, dilaw, pink, at iba pa. Magkakaiba man, ramdam na ramdam ko ang saya at pagmamahal na nangibabaw sa selebrasyon ng Pride Month sa Quezon City.

Sa pakikipagtulungan sa Pride PH, naging matagumpay­ ang Pride Festival. Nasa 25,000 LGBTQIA+ members at allies ang sama-samang nagmartsa para maisulong ang equality, diversity, at inclusivity.

Kasama ko ring naglakad sa Elliptical Road ang mga ambassador, non-government organizations, at iba pang LGBTQIA+ rights advocates na nagbigay din ng mensahe bilang suporta sa ating layunin na matigil ang anumang uri ng gender-based discrimination.

Sa Pride Festival, nagkaroon din tayo ng Pride Expo kung saan itinampok ang mga produkto ng mga maliliit na negosyo sa Maginhawa at mga obrang gawa ng mga artist bilang suporta sa mga LGBTQIA+.  Sa Pride Night naman nagpakita ng talento at galing ang mga miyembro ng LGBTQIA+.

Nagbigay din tayo ng libreng human immunodeficiency virus (HIV) test sa attendees at COVID-19 vaccination. Umabot sa 1,200 ang nakapag-avail ng HIV test, habang 269 naman ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID.

Layon ng Pride March na maipakita ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng iba-ibang sektor upang tuluyang makamit ang pantay-pantay na karapatan at matuldukan na ang diskriminasyon.

Para sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+, welcome na welcome kayo sa QC. Sa Quezon City, malaya kayong ipakita ang totoong kayo at hindi kayo huhusgahan. Sa Quezon City, tanggap namin lahat ng kabilang sa bawat kulay ng bahaghari.

Mahaba-haba pa ang ating laban para makamit ang equality na deka-dekada na nating isinusulong. Pero ma­ka­kaasa kayo na kaisa at kaagapay ninyo ako at ang Lungsod Quezon sa pagtamo ng isang pantay at inklusibong komunidad para sa lahat.

vuukle comment

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with