^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Linis pa more sa Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Linis pa more sa Immigration

Wala pang itinatalagang commissioner sa Bureau of Immigration (BI). Marahil pinag-iisipan pa nang malalim at mahusay ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. kung sino ang iuupo. Kapag nagkamali siya sa pag-uupo ng hepe ng BI, lalo pang magiging talamak ang katiwalian sa nasabing kagawaran. Isep-isep muna.

Nang masibak ang 45 BI officials na sangkot sa “pastillas scam” noong nakaraang linggo, naglagay na raw ng mga karagdagang closed-circuit television cameras sa international airports para raw hindi na mangyari uli ang suhulan. High-definition CCTVs umano ang nakalagay sa maraming lugar sa airport para malinaw na makita ang nangyayaring suhulan. Hindi raw makalulusot ang mga corrupt BI officials.

Maganda ang hakbang na ito. Pero sana, hindi na ibinrodkas pa ito. Sino namang opisyal ng BI ang gagawa ng katiwalian kung may nakatutok na CCTV? Siyempre wala. Dun siya gagawa ng katiwalian sa walang camera di ba?

Ibig ding ipahiwatig ng paglalagay ng karagdagang CCTVs na marami pang tiwali sa BI. Ang nasibak na 45 opisyal ay kapiranggot lamang. Maaaring may mga matataas pang opisyal na nakalusot at nga­yon ay nag-iisip na bagong modus. Hindi na gagamitin ang “pastillas” para makadikwat ng pera sa mga dayuhan—ibang estilo naman ngayon.

Matagal nang ginagawa ang pastillas scam sa NAIA pero nabulgar lamang noong 2017 nang magsa­gawa ng imbestigasyon ang Senado sa pamamagitan ni Sen. Risa Hontiveros. Sa imbestigasyon, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga corrupt BI officials dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatu­tupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa parti­kular ang mga Chinese. Sa ‘‘pastillas scam’’, lahat nang Chinese na­tionals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol BI official ay binibilot na hawig sa “pastillas.

Minsan nang ipinatawag ni President Duterte ang mga corrupt BI officials sa Malacañang at pinagmu­mura. Hindi pa nasiyahan ang presidente, nagpa­bilot siya ng mga perang papel na kahawig na kaha­wig ng pastillas at saka binigay sa BI officials sabay sabi ‘‘Kainin n’yo ‘yan! Di ba ‘yan ang gusto n’yo?”

Nararapat pang linisin ang maruming BI. Hamon ito sa itatalagang bagong BI commissioner. Linis pa more.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with