^

PSN Opinyon

Nakaambang taggutom

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

May nagbabantang seryosong kakulangan ng pagkain sa buong daigdig sa mga darating na buwan. Epekto na rin marahil iyan ng patung-patong na krisis  tulad ng COVID­-19 pandemic at ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nagkandabaon na sa trilyones na pagkakautang ang Pilipinas dahil sa COVID response program nito at tiyak na ganyan din ang sinapit ng ibang bansa na malubhang na­apektuhan ng pandemya.

Kaya ito ang major concern ng mga  international orga­nizations tulad ng World Bank, United Nations Food and Agricultural Organization at World Food Program. Palagay­ ko puwedeng kayanin ng Pilipinas ang krisis bilang isang bansang agrikultural kahit pa ang ibang lupain ay ginawa nang industrial at residential.

Mapalad ang Pilipinas kaysa mga industriyalisadong bansa na wala nang lupaing agrikultural na maaaring tam­nan ng mga makakaing gulay at pag-alagaan ng mga hayop­. Malawak din ang ating karagatan na puwedeng ma­­pagkunan ng isda, basta’t huwag lang manliligalig ang China.

Kung malaki ang lupa mo, sa halip na ornamental plants ang itanim ay gawing gulay na pantawid-gutom. Lalong mapalad ang mga nasa mga kabukiran dahil puwedeng magtanim, magmanukan at babuyan. Ayon kay incoming­ Press Secretary Trixie Angeles, iyan ang itinuturing na pangunahing suliranin na haharapin ng administrasyong Marcos kapag ito’y manunungkulan na sa papasok na buwan.

Wika nga, kayang-kaya kung may pagkakaisa. Kaya isantabi muna ang mga protesta laban sa bagong admi­nis­trasyon at magtulungan tayong maiangat ang ating bansa.

vuukle comment

COVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with