^

PSN Opinyon

NBI agents ni Eric Distor, ‘tira-pasok’ sa mga pasugalan?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINALAKAY ng mga kalalakihang nagpakilalang taga-National Bureau of Investigation (NBI) ang palaro na Peryahan ng Bayan (PnB) sa Albay noong Lunes at mahigit 35 katao ang nasakote. Kinasuhan naman ng team leader kuno na si alyas Pagatpat ang mga naaresto sa piskalya. Sinabi ng mga kosa kong Marites na humirit pa ang NBI team ng P300,000 bilang “pabaon.” Araguuyyyyyy!

Hindi pa batid ng mga Marites kung itong pabaon ay para kay outgoing NBI OIC Eric Distor o sa raiders lang. Dipugaaaaaa! Ang naiwang luhaan sa raid ng NBI kuno ay si Kapitan Nemo dahil tumataginting na P1 milyon ang isinuka niya bilang piyansa. Siyempre, hindi makaporma ang amo ni Kapitan Nemo na si Albay Gov. Al Francis Bichara dahil olats siya ng nakaraang May 9 elections. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kumbaga, nalusaw ang kinang ni Bichara. Mismooooo!

Hindi lang ‘yan, ni-raid din ng NBI ang opisina ng isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Maynila kamakailan. Kung sa Albay, nagtagumpay ang raid ng NBI agents kuno, sa Maynila semplang ang inabot nila. Sinabi ng mga kosa kong Marites na binitiwan din ng NBI ang kanilang mga nahuling empleyado at isinoli ang lahat ng nakumpiskang epektos. Bakit? Kasi nga, nagreklamo ang may-ari ng POGO na si Willy King kay Interior Sec. Eduardo Año na tumawag naman kay Justice Sec. Menardo Guevarra at ireport ang “magandang asal” ng taga-NBI. Dipugaaaaa!

Sinibak ni Guevarra ang lahat ng taga-NBI na sangkot sa raid, kasama na ang hepe nila. Kung may nabalitaan kayo mga kosa na ni-relieve na NBI department head nitong nagdaang mga araw na hindi sinabi ni Guevarra ang dahilan, siya na ‘yung inireklamo ni Willy King. Mismooooo! Hak hak hak!

Di ba may kautusan si President Digong na ‘wag pakialaman itong POGO dahil nakatulong ito sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbayad ng tax. Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosa kong Marites na parang pulis na rin ang style nitong NBI sa liderato ni Distor. Imbes na sa bigtime drug o criminal syndicates ibaling ang attention nila eh mga pasugalan lang ang kinakaya. Nasa mandato kaya ng NBI ang illegal gambling? Tanong lang po! Kasi nga, ang puna ng mga kosa ko, walong taon sa kolehiyo itong mga ahente ng NBI natin subalit illegal gambling lang ang inaatupag nila? Hayyyyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Ano sa tingin mo NBI assistant director Medardo de Lemos Sir?

Sa pagpasok ng bagong Justice Secretary na si Cavite Rep. Boying Remulla, kailangan baguhin niya ang sistema ng kalakaran sa NBI para bumango ang imahe nila. Itigil na ang mga raid sa pasugalan na kadalasan ay «tira-pasok» lang, di ba kosang Ogie Sir? Sibakin din n’ya itong si Pagatpat tutal may baon na s’ya. Araguuyyyyy! ‘Yan ay kung taga-NBI talaga itong si Pagatpat. Hak hak hak! Porket’s paalis na sa puwesto si Eric Distor aba’y nagwawala naman itong mga tauhan niya. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with