^

PSN Opinyon

Business permit sa Quezon City, online na

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Mahigit 70,000 ang rehistradong negosyo sa Quezon City noong nakaraang taon. Good news ito para sa lungsod dahil kapag marami ang negosyo, dumarami rin ang job opportunities para sa mga residente. Pero, may iilan na sinasamantala ang paglago ng ating lungsod para maka-delihensiya ng pera sa mga tapat na nagnene­gosyo.

Nitong nakaraang linggo, dumulog sa aking tanggapan­ ang isang negosyanteng biktima ng fixer. Aminado ang negosyante na hindi na siya nag-abalang alamin ang tamang proseso sa City Hall at ipinagkatiwala na lang sa iba ang pagkuha ng kanyang business permit. Kaya bukod sa P21,000 tax assessment bill na kailangan bayaran sa Treasury, naglagay din siya ng P15,000 sa fixer. Hindi na­kun­­­tento, humingi pa ng dagdag na P6,000 ang fixer para ma-release umano ang permit, kaya nagpasya na ang negos­yante na mag-report.

Dalawang punto ang gusto kong ibahagi tungkol dito.

Una, sa pamamagitan ng QC E-Services mas pina­dali at ginawa nang online ang business permit application o renewal sa Quezon City. Gamit ang sariling computer o smartphone o kaya naman ay QC e-services kiosks, maaari nang sagutin ang forms, magpadala ng documentary requirements, makakuha at magbayad ng tax assessment bill, at mag-apply ng bago o mag-renew ng business permit.  Sa loob lang ng isa o dalawang araw, libreng ipapadala ang busines permit sa registered business address. Ganito rin ang proseso sa pagkuha ng building permit. Sa sistemang ito, garantisadong walang fixer.

Basahin ang e-book para sa kumpletong hakbang: https://online.flipbuilder.com/cvebd/lmcy/

Pangalawa, hinihikayat ko ang lahat ng negosyante na i-report sa amin ang fixers o sinumang manghihingi ng lagay para sa pangakong mapabilis ang proseso at maayos ang inyong dokumento. Ipadala ang inyong report sa pamamagitan ng People’s Corner na makikita sa QC E-Services.

Sinisiguro kong maaaksiyunan ang inyong report at may kalalagyan ang mga ganitong indibiduwal. Sa nga­yon, iniimbestigahan na ang e-mail address na ginamit ng ini-report na fixer, at titiyakin kong mapapanagot siya ng Business Permits and Licensing Department (BPLD).

vuukle comment

NEGOSYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with