^

PSN Opinyon

One-strike policy ng PNP, drowing lang?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Hindi kaya drowing lang ang one-strike policy ng Philippine National Police (PNP) sa illegal gambling?

Ano sa palagay mo, Maj. Gen. Valeriano de Leon?

Sa Pangasinan at Cagayan Valley kasi General Val, hindi tumitigil ang jueteng operation na nasa anyo ng Peryahan ng Bayan (PnB).

Palagay ko naman, nakarating na sa kabatiran ng mga hepe ng pulisya sa Region 1 at 2 ang tagubiling masisibak ang makikipag-sabwatan sa illegal gambling operators.

Sa palagay ko rin, hindi “Oplan Pakilala” ni General Val ang utos dahil dati na siyang kilala at marami rin ang nakakaalam na malapit siya kay vice president-elect Sara Duterte-Carpio.

At sa aking palagay kandidato rin si General Val bilang susunod na PNP chief.

Ayon kay General Val, ang utos na sugpuin ang Peryahan ng Bayan (PnB) ay galing kay Executive ­Secretary Salvador Medialdea at PCSO.  Sabi ni Medialdea, hindi na otorisado ang PnB na magpalaro ng jueteng.

Bakit kaya hindi na sumusunod sa nakatataas ang mga police commanders?  Baka naman abala lang sila sa ibang ginagampanang tungkulin.

Baka naman busy ang mayors at governors dahil katatapos lang ng eleksyon kaya hindi na nasusunod ang utos ni DILG Secretary Eduardo Año na ipatupad ang pagbabawal sa PnB.

Sabagay,  malapit nang mapalitan ang mga nag-utos.

Inaabangan ngayon kung ano ang magiging patakaran ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. sa illegal gambling gaya ng jueteng.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with