^

PSN Opinyon

Daanan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Dahil sa nangyari, naging walang silbi na raw ang isyu ng anotasyon dahil kusang loob na binigay ng mag-asa­wang Ed at Vangie ang right of way sa kabilang bahagi ng lupa kaya ang naging desisyon ng korte ay ibigay ang kabilang bahagi sa mag-asawa.

Pero umapela pa rin sina Ed at Vangie sa Court of Appeals. Katwiran nila ay may karapatan sila na maghabol ng bayad para sa right of way. Itinanggi pa rin nila ang anotasyon ng right of way sa mga titulo at ang sabi ay nagkasundo lang sila na magbenta ng isang metro pero hindi pa natapos ang kasunduan.

Nagdesisyon ang CA pabor kina Ed at Vangie. Binaliktad ang hatol ng RTC at binasura ng CA ang reklamo. Kaya sina Mon at Tina naman ang umapela sa Supreme Court at ang katwiran ay legal ang easement/right of way alinsunod sa Art. 624 ng Civil Code nang ito ay itatak ng mga unang may-ari kaya hindi basta mababalewala o mabubura. Saka bilang dating may-ari ay karapatan naman daw nila na maglagay ng easement.

Pumabor ang SC sa mag-asawang Mon at Tina pati binaliktad nito ang hatol ng CA. Dineklara ng SC na umiiral sa kaso ang Art. 624 ng Civil Code. Gumawa raw kasi ng easement o daanan sina Mon at Tina sa harap para sa mga lupa na nasa likod para makapunta sa national highway at tinatak sa mga titulo ang anotasyon.

Nang makuha ng banko ang mga lupa ay hindi nito kinontra ang easement at annotation. Kaya nang ibenta sa mag-asawang Ed at Vangie ang lupa ay taglay pa rin nito ang tatak ng easement. Nagsisilbing titulo ang easement at hindi ito mababalewala o matatanggal maliban­ na may deed of transfer.

Alam din nina Ed at Vangie ang tungkol dito nang bilhin at ilipat sa pangalan nila ang mga titulo at sa kabila ng kaalaman tungkol sa easement ay hindi sila nagpahayag ng pagtutol. Tinuloy pa rin nila ang pagbili sa lupa kaya legal at may bisa ang easement (Spouses Fernandez vs. Spouses Delfin, G.R. 227917, March 17, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with