^

PSN Opinyon

Reporma sa mga piitan

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Magkahalong lungkot at takot ang aking naramdaman sa nangyaring riot sa loob ng Quezon City Jail sa Barangay Kamuning kamakailan.

Lungkot dahil isang bilanggo ang namatay habang ilan pang preso ang nasugatan sa kaguluhang sumiklab sa QC Male Dormitory.

Kaya agad kong inatasan ang Quezon City Police Dis­trict (QCPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na imbestigahan ang insidente.

Takot naman ang namayani sa akin nang mabasa ang intelligence report na ang riot ay sinadya ng mga miyembro ng Batang City Jail, para puwersahin ang pagsibak kay QC Male Dormitory Warden JSupt. Michelle Bonto.

Mainit ang mata ng mga bilanggo kay Bonto dahil sa pinaigting niyang kampanya kontra sa bentahan ng ilegal­ na droga sa loob ng piitan.

Kasunod ng riot, nagsagawa ang QC Male Dormitory-Intelligence Unit ng Operation Greyhound kung saan hina­lughog nila ang mga selda at nakumpiska ang maraming patalim, pera at droga.

Kung ganito pala ang kalakaran, mas makapeperwisyo sila sa halip na makatulong sa lipunan.

Kaya naman agad akong nanawagan sa kasalukuyan at papasok na pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng mala­wakang reporma sa mga bilangguan sa buong bansa.

Kabilang dito ang pagtugon sa pangangailangan ng ating­ PDLs (persons deprived of liberty), gaya nang mahigpit­ ngunit makataong mga polisiya sa ating mga piitan.

Isa pa ang pagtugon sa matagal nang problema ng overcrowding, kung saan nagsisiksikan na parang sardinas­ ang mga nakapiit.

Naririyan din ang kakulangan sa pangangailangan ng mga bilanggo, gaya ng sapat na pagkain at gamot.

Mas mainam na maturuan sila ng mga posibleng pagkakakitaan sa loob man o labas ng bilangguan.

Isa pang dapat pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas at paglilinis ng hanay ng BJMP. Masakit man sabihin pero ilan sa mga tauhan nito ang kakuntsaba o kinukunsinti ang operasyon ng ilegal na droga sa loob.

Isa rin sa mga problema ang kakulangan ng sapat na tauhan ng BJMP para magampanan ang kanilang trabaho.

Sa parte naman ng pamahalaang lungsod ng Quezon City, patuloy tayong tutulong sa BJMP para mapaganda ang kondisyon ng mga piitan.

Nag-turnover na tayo ng bagong pasilidad ng BJMP sa Payatas Road, na makatutulong para mabawasan ang pagsisiksikan sa lumang piitan. Ang ipinatayong pasilidad ng lokal na pamahalaan ay may lawak na 2.4 ektarya, kaya may sapat na espasyo ang mga bilanggo at isinunod sa standard ng United Nations.

Mayroon itong non-contact visitation area, laundry area, livelihood training, sports and recreational area, at medical infirmary.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa BJMP, gagawin natin ang lahat upang masiguro na sila’y magiging produktibong mamamayan ng ating bansa.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with