^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik ang perwisyong trapik sa Metro Manila

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Balik ang perwisyong trapik sa Metro Manila

Bilyong piso ang nasasayang dahil sa matin­ding trapik sa Metro Manila. Dahil sa nangyayaring ito, apektado ang ekonomiya sapagkat hindi dumarating sa tamang oras ang mga kargamento dahil sa mabigat na trapik. Apektado rin ang production sa mga kompanya sapagkat hindi dumarating sa oras ang mga manggagawa. Naipit sila sa trapik.

Sa ginawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), P3.5 bilyon ang nasasayang araw-araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Sa pagtaya ng JICA, mawawalan ng P5.4 billion araw-araw ang Pilipinas sa pagsapit ng 2035 kung hindi gagawa ng karampatang solusyon sa trapik.

Balik na naman ang trapik sa Metro Manila mula nang magluwag sa restrictions sa COVID-19. Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso, marami nang mga empleyado ang pumapasok sa kani-kanilang opisina na dati ay naka-work from home. Balik na naman sa pagsisiksikan sa pagsakay sa bus, Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Pinakakawawa ang mga sumasakay sa bus sapag­kat sila ang apektado ng trapik. Kahit pa may sariling lane ang mga bus sa EDSA, naiipit din sa trapik dahil sa rami ng mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Metro Manila Development Authority­ (MMDA) umaabot sa 405,000 ang mga sasakyan sa Metro Manila bago ang pandemya. At sa nakikitang­ pagsisikip ng trapiko ngayon, malapit na raw maabot ang 405,000 lalo pa’t malapit nang ipatupad ang face-to-face classes. Asahan daw na sa susunod na buwan ay baka lalo pang tumindi ang bigat ng trapik sa mga pangunahing lansangan sa MM.

Kung titindi pa ang trapik, dapat nang gumawa ng aksiyon ang MMDA para mapagaan ito. Buksan ang mga alternate route. Alisin ang mga sagabal sa kalsada gaya ng vendors at mga nakaparadang sasakyan. Gibain din ang mga basketball court na nasa kalsada at pati mga car wash at talyer na sina­kop na ang kalsada.

Atasan ang mga traffic enforcers na ayusin ang daloy ng trapiko at hindi ang pagkukumpulan sa malilim na bahagi ng flyover o footbridge. Hindi na maaalis ang pagbubuhul-buhol ng trapiko pero sa tamang sistema at mahusay na pamumuno, masosolusyunan ito.

vuukle comment

JICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with