^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaking problema ang illegal drugs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malaking problema ang illegal drugs

Gabundok na problema sa illegal drugs ang mamanahin ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. kapag naupo sa susunod na buwan. Ang hindi natapos ni President Duterte na kampanya sa illegal na droga ay si Bongbong ang magpapatuloy. At kung hindi siya magkakaroon nang malinaw na solusyon sa problemang ito ng lipunan, mahaharap siya sa malaking pagsubok. Hindi biro ang problema sa illegal na droga sapagkat ginagawa ng foreign drug traffickers ang lahat para maipasok ang droga. Ma­lawak ang abot ng galamay ng drug syndicates. Pati ang Bureau of Customs (BOC) napapalusutan ng droga. Maraming korap sa BOC kaya nangyayari ang ganito. Tatapalan ng pera ang mga korap na opisyal at empleyado ng BOC at lusot na ang droga.

Sinabi ni President Duterte kamakailan na bigo siya sa kampanya sa droga. Hindi niya nagawa ang ipinangakong anim na buwan ay lulutasin ang prob­lema sa droga. Nagkamali aniya siya nang ipangako ito noong 2016 elections. Nang ilunsad ang “Oplan Tokhang” isang buwan makaraan siyang maupo, ma­raming napatay na drug pushers. Subalit wala ring epekto ang kampanya sapagkat lumubha pa ang problema. Mga “maliliit” na drug pushers ang napatay at nalambat pero walang malalaking drug lord na source ng droga.

Noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni Duterte na bago siya bumaba sa Hunyo 30 bilang presidente, gusto niyang may mapatay na tatlo o limang drug lords. Kung totoo ito o nagbibiro ang presidente, siya lamang ang nakakaalam.

Sa mga nakaraang campaign rallies ni Marcos, wala siyang nabanggit kung ano ang magiging solusyon niya sa problema sa illegal drugs. Kaya ina­abangan ngayon kung ano ang magiging approach niya sa gabundok na problema ng illegal na droga.

Magiging marahas o brutal din ba siya gaya ng ginawa ni Duterte laban sa mga drug traffickers? Kailangan ang mahusay at pinagplanuhang estratehiya sa pakikibaka sa illegal na droga. Pinakamaganda kung aalamin ang pinanggagalingan ng droga. Alamin din kung bakit marami ang gumagamit ng droga. Simple lang, kung walang bibili, tiyak na walang magbebenta.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with