^

PSN Opinyon

Maglalabas, may ilalabas, walang ilalabas o ayaw ilabas?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Marami nang naghihintay sa huling survey na ilalabas ng Social Weather Station (SWS). Nakasanayan na kasi ng publiko, ng media at kasama ako roon, mula noong 2010 elections, 2016 at ngayong 2022 elections, consistent ang SWS.

Isang araw bago ang mismong araw ng botohan, inilalabas ng SWS ang kanilang survey. Kagaya noong 2010 kung saan pumatak ng Mayo 10 ang eleksiyon, ang survey ng SWS ay inilabas ng Mayo 9.

Noong mga panahon na iyon ay talagang nangunguna si P-Noy sa survey.

Noong 2016 elections, Mayo 6 naman nagpalabas ang SWS ng kanilang preferential survey tatlong araw bago ang takdang eleksiyon. Si Digong ang nangungunang kandidato noong mga panahong ‘yun.

Ngayong 2022,  ang dami nang nag-aabang at isa na ako roon. Ang dami na ring naglalabasang survey result pero wala pa ang SWS.

Nagbabala na ang SWS sa kanilang website na mali raw ang mga balitang kumakalat na mayroon na silang ipinalabas na survey. Kung mayroon man ay opisyal itong ipo-post sa kanilang website.

Ang tanong SWS, maglalabas pa ba kayo ng huling survey para sa eleksiyong ito o hindi na?

Hindi maiiwasan na mag-speculate ang mga tao dahil may pattern na kayo. Napapaisip tuloy ang karamihan, meron na raw talagang resulta pero ayaw pang ilabas.

Palagay ko ay matatahimik ang tao, kung sakaling sasabihin ng SWS na wala silang ginawang survey kaya huwag nang umasa ang taumbayan.

Dahil resputableng survey institution ang SWS, sa tingin ko ay obligasyon nilang magsabi sa publiko kung talagang wala.

Puwede naming sabihin, hindi kami maglalabas mga bossing dahil tambak ang manok namin kaya hindi na lang ilalabas—sana mali ako ha.

Ganoon na lang, hindi ‘yung parang tinutukso, tinatakam pa ang mga tao.  Simple lang SWS, maglalabas ba kayo, may ilalabas ba kayo o wala kayong ilalabas?

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with