^

PSN Opinyon

Security ng gambling lord, inambus sa Mandaluyong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nararapat lang na ipasara ni President Digong itong e-sabong dahil lumalalim ang bangayan ng mga sangkot dito kahit hindi pa nalulutas ang kaso ng 34 na missing sabungeros. Sa sobrang laki ng kinikita ng mga financiers ng e-sabong sa palaro, aba palalim naman ang “lakaran” na sana ay matigil na sa kautusan ni President Digong na ipasara ito. Naging hot topic ng mga Marites na sabong afficionado sa ngayon ang pag-ambush kay Kenneth Yu sa Mandaluyong City nitong madaling araw ng Mayo 1. Ayon sa nga Marites na sabungero, itong si Yu ay sanggang dikit sa isang gambling lord na sangkot sa e-sabong. Kasalukuyan pang inaalam ni Maj. Gen. Ely Cruz, ang director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung sino itong amo ni Yu na gambling lord. Hihihi! Kilala na ng mga sabungero kung sino ito subalit hintayin natin mga kosa na mismong si Gen. Cruz ang kumilala sa kanya. Dipugaaaaa! Hak hak hak! The truth shall prevail dito sa kaso ni Yu, di ba mga kosa? Mismooooo!

Kinilala nina Alfie Torrida, 38, driver, at Rodel Teriote, 44, bodyguard, si Yu na isang security OIC. Ayon sa dalawa, galing sila sa Lipa, Batangas at inihatid si Yu sa tirahan nito sa Unit 2106 G. A. Tower 2, EDSA sa Bgy. Malamig sa Mandaluyong City nitong Linggo ng mada­ling araw. Matapos maibaba sa service car si Yu sa back entrance ng building, lumisan na sina Torrida at Teriote at nakarinig na lang sila ng sunod-sunod na putok. Mabilis na bumalik ang dalawa at nakita nila ang kulay silver na Hyundai Accent (Sedan), na walang plate number, na humaharurot paalis sa lugar patungo sa Sierra Madre St. Nag-counter flow pa ang mga suspect. Nakita na lang ng dalawa si Yu na nakahandusay sa kalye at wala ng buhay. Ang duty guard ng building ang tumawag sa himpilan ng pulisya para i-report ang krimen. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kung mabilis tumawag ng pulis itong security guard, ang Mandaluyong City police at Eastern Police District (EPD) naman ay itinago ang kaso. Mismooooo!

Ang mga nagresponding pulis ay pinangunahan ni Lt. Louie Orlain Jr., ng Sub-Station 6 na s’ya din ang investigator-on-case. Kasama n’ya dumating sa eksena si Prince Edanio ng Mandaluyong City Rescue Team. Dumating din si PEMS Joefrey Bellin, ng EPD Forensic Unit na s’yang nag-proseso sa crime scene. Nadampot ng pulisya ang 14 spent shells mula sa hindi pa kilalang armas sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang bangkay ni Yu ay dinala sa Quioge Funeral Homes sa Pasig City para i-autopsy. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Wala pang linaw kung bakit pilit na ikinakabit ng mga Marites na sabungero itong kaso ni Yu sa e-sabong. Get’s n’yo mga kosa? Mismooooo!

Maraming mga pulis naman ang nagsasabing pamilyar sa kanila si Yu dahil nakahalubilo nila ito ng matagal na panahon. Dipugaaaaaa! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

AMBUSH

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with