^

PSN Opinyon

Eleazar, No. 1 sa kodigo ng mga obispo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Matapos makatanggap ng suporta mula sa powerful sect na Iglesia ni Cristo at malaking Catholic charismatic group na El Shaddai, si Senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar ang No. 1 na kandidato sa pagka-senador ng mga Obispo ng sektang Kristiyano. Sa pangunguna ni Bishop Efraim Perez, ang grupo ng Independent Bishops Confe­rence of the Philippines (IBCP) ay inuna si Eleazar sa kani­lang kodigo ng mga senador dahil sa kanyang track records sa panunungkulan sa gobyerno.

Ginawa ni Bishop Perez ang pag-endorso kay Eleazar­ sa isang seremonyang pinangasiwaan ng mga lider at mi­­yembro ng grupo kamakailan. “We, the Independent Bi­shops Con­ference of the Philippines, composing of 187 bishops nationwide, clearly believe that it’s our moral and spiritual obligation to guide, to lead our nation for righteousness,” ani Perez. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Patok talaga si Eleazar sa mga relihiyoso kaya’t padami ng padami ang bibilog sa No. 23 sa balota sa Lunes, di ba mga kosa?

Nauna nang nagpasalamat si Eleazar sa suporta ng mga kapatid na Iglesia at sa El Shaddai, at dito sa tulong ng IBCP ay natuwa rin siya, lalo’t first choice siya ng grupo. “Maraming­ salamat po sa Independent Bishops Conference of the Phi­lippines sa pag-endorso sa akin bilang pangunahing kandi­dato sa pagka-senador. Ilang araw bago ang halalan, ma­laking bagay ang endorsement ng ating mga kapatid sa IBCP para madala natin ang laban ng bawat Pilipino sa Senado,” ani Eleazar. “Sana ay samahan niyo ako at ihatid sa Senado sa May 9 upang maipaglaban ko ang laban ng bawat Pilipino. Dahil ang araw araw na laban ng Pilipino ang magiging laban ko sa Senado,” ang dagdag pa ni Eleazar.
Ayon sa IBCP, unanimous ang naging pagpili nila kay Eleazar dahil sa mabuti niyang ugali, pananaw, at kakayanang pamunuan ang bansa patungo sa tamang landas. Kung sabagay, hindi naman kaila sa taga-IBCP na 38 years na nagsilbi sa militar at pulisya si Eleazar at ginugol niya ang huling anim na buwan sa serbisyo bilang PNP chief, bago nagretiro noong Nobyembre 2021.

Bilang opisyal ng PNP, lumaban si Eleazar sa mga kri­minal, terorista, rebeldeng komunista, at iba pang masa­samang-loob para mapanatili ang peace and order sa bansa. Sa kanyang pagtakbo bilang senador, balak naman ni Eleazar na magsulong ng batas na magpapalakas sa se­guridad at peace and order. “Naniniwala akong kaisa natin ang Independent Bishops Conference of the Philippines sa layunin natin na mapanatili ang kapayapaan sa ating bansa. Kaya naman, taos puso po ang aking pasa­salamat sa ating mga bishops na umaalalay sa ating kandidatura,” ani Eleazar. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with